Monday , December 23 2024

Leni Robredo ‘Sinungaling’ sabi ng LFS

SINUNGALING si Leni Robredo.

‘Yan ang tahasang sinabi ng pinakamalaking youth sector organization sa bansa matapos lumabas ang isang ‘pekeng manifesto’ na nagsasabing iniendoso ng Sandigan para sa Masa at Sambayanan (SAMASA) ang kandidatura ni Leni.

Isang press statement na naka-post sa website, sinabi ng campaign team ni LP vice presidential candidate Leni Robredo na sinuportahan sila ng SAMASA.

Pero kinondena ng national youth groups na League of Filipino Students (LFS) at ANAKBAYAN ang Liberal Party (LP) dahil sa tahasang pag-iimbento at pagsisinungaling para lamang palakasin ang kulelat na si Leni sa lumalakas na disgusto ng mamamayan sa administrasyong Aquino at sa ruling party.

Ayon sa dalawang national youth groups, ang anim na taon sa ilalim ng Liberal Party ni Ninoy Aquino ang maituturing na black era para sa mga kabataang Pinoy at sa buong sambayanan.

Ito umano ang panahon na anim na kabataang estudyante ang nagpakamatay, kabilang si UP freshman Kristel Tejada dahil sa sobrang taas ng tuition fee.

Saang kamay ng diyos, kukunin ng isang dukhang magulang ang tuition fee na umaabot sa P30,000-50,000 noong 2013 hanggang P60,000-100,000 nitong 2015?!

At ngayong 2016?! Bukod sa nadagdag na dalawang taon sa Senior High School, tiyak na muli pang sisirit ang tuition fees.

Mantakin ninyo ‘yun?!

Paano iendoso ng mga kabataang estudyante ang isang kandidatong gaya ni Leni na tagapagtaguyod ng mga programa ng Daang matuwid na walang ginawa kundi pahirapan ang sambayanan?!

Nakahihiya!

Gagamitin ang sektor ng kabataan para lang magpabango?!

Hindi tayo male chauvinist pig pero, sa kultura natin, ang ‘panloloko’ na gawa ng isang babae ay anyo ng sukdulang pananalbahe sa kapwa.

Naniniwala kasi tayo na ang isang babae ay mas malapit sa paggawa ng kabutihan kaysa panloloko o pandaraya.

Simpleng Leni… simple kahit sa pandaraya ng kapwa at kabataan pa ang piniling gamitin?!

‘Yan ba ang isang kandidato na nagsasabing magiging mabuting ina siya sa sambayanan?!

Sonabagan!

Sabihin na nating hindi utak ni Leni ang gumalaw diyan, pero por dios por santo, pagsabihan naman niya ang kanyang kampo na huwag gamitin ang mga kabataan.

Hindi pa nga nasasagot ang mga isyu ng Kidapawan massacre na ang biktima ay mga nagugutom na magsasaka, dagdag na utang ng Aquino administration sa mahabang listahan ng human rights violation.

Ang Lumad killings sa Mindanao, mahigit 300 extrajudicial killings, at ang patuloy na pagpiit sa 560 political prisoners, na 136 ay youth detainees.

‘Yung pagpapabaya sa Yolanda victims, pagtataas ng MRT-LRT fare, US military bases sa Philippine soil sa ilalim ng EDCA, at ang veto SSS pension hike para sa senior citizens.

Sabi nga lahat nang ‘yan ay ipagpapatuloy ni Leni…

Payag ba kayo?

Isang tanong, isang sagot?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *