Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart at Lovi, fresh na fresh kahit naiinitan ng araw (4 sa presidentiable, kitang-kita na ang pagka-stress)

DIBDIBAN na ang kampanya ng mga kandidato ngayon, local man o national level. Maging sa social media ay ngaragan na rin sa pagpo-post ang mga netizen sa kanilang sinusuportahang presidentiables.

Aliw na aliw ako sa remarks ng isang kaibigang movie reporter. Napapansin daw niya na habang papalapit na ang eleksiyon ay lalong nagiging ngarag ang hitsura ng ating mga presidentiable. Kung dati-rati flawless at ang ganda ni Grace Poe ngayon ay makikita sa kanyang aura na tila pagod na pagod at punompuno ng stress sa katawan, gayundin si Mar Roxas na minsan ay parang hindi na nagsusuklay sa rami ng kampanyang pinupuntahan. Same with Jejomar Binay na parang hapong-hapo na  sa kalalakad sa pilapil (yes, tanging si Binay lang ang pumupunta sa mga liblib na lugar). Si Rodrigo Duterte naman ay idinadaan na lang sa pagnguya ng chewing gum ang stress at pagod sa kampanya.

Si Miriam Defensor Santiago na sinasabi nilang may sakit ang siyang ‘di ko nakikitaan ng pagod sa katawan at stress. Relax lang si Madam  at ang mga pinupuntahan niya ay mga eskuwelahan at tumbok niya ang mga estudyanteng first time voters.

Tawa ako ng tawa sa pagpapatuloy pa ng mahaderang movie reporter. tungkol sa isa pang candidate. Hindi siya presidentiable pero ang napansin daw niya, halos luwa na raw ang mata nito sa kaiikot para sumuyo ng boto, hahahaha.

Pero may mga celebrity naman na busy din sa pangangampanya pero fresh na fresh pa rin at isa na rito si Heart Evangelista, ang asawa ni Chiz Escudero na tumatakbong Vice President.

Noong isang araw ay pumunta si Heart sa Dumaguete City (in behalf of Chiz) at  hangang-hanga ang mga nakakita sa kanya dahil fresh na fresh ito. Isa sa namangha sa  freshness ni Heart ay si Prof. Jolyprim Sy ng Silliman University Graduate School at ‘di niya napigilan na mag-selfie with Heart.

Si Kris Aquino naman, parang ngayon lang nangarag dahil ngayon lang naman siya sumasama sa mga kampanya ni PNoy dahil nga kagagaling pa lang niya sa wellness treatment.  Pero ngayon pa lang, nakikita na natin na stress na na si Kris. Pagsakay pa lang niya sa presidential chopper ay binatikos na siya sa social media at kahit aminin man niya o hindi, kahit social media lang ‘yan ramdam niya ang impact nito. Kaya nga nasabi ni Kris sa isang kampanya ni PNoy na “ipagtanggol” naman daw siya.

Si Lovi Poe ay hindi rin ngarag nang makita ko sa isang campaign ni Poe. Ang napansin ko lang sa kanya, parang lalo siyang tumangkad. Kapag nagtabi sila ni Grace, nagmistulang pandak si Grace.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …