Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine at James, na-feature sa isang news channel sa Japan

00 SHOWBIZ ms mHINDI naitago ni James Reid ang excitement sa muli nilang paggawa ng pelikula ng kanyang reel at real life partner na si Nadine Lustre via This Time na mapapanood na sa May 4 handog ng Viva Films.

Ani James, na-miss nila kapwa ni Nadine ang gumawa ng pelikula lalo’t mas light lang ang This Time kompara sa katatapos lang nilang serye sa ABS-CBN, ang On the Wings of Love gayundin sa tatlong nauna nilang pelikula, ang Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at  Hopeless Romantic.

Sa This Time, na idinirehe  ni Nuel Naval, mula sa screenplay ni Mel del Rosario, ginagampanan ni James si Coby, isang lolo’s boy na mula pagkabata’y malapit na ang loob sa kaibigang si Ava (Nadine). Tuwing summer lang nagkikita ang mga character nila at doon masusubukan ang tatag ng pagsasama sa isang love distance relationship.

Ani James, ”I guess this movie, it’s more focused on the love, the relationship. It goes deeper into relationships like long distance relationship.

“I can’t say it’s more mature ’coz its very light. So easy to watch.”

Iginiit naman ni James na hindi nila matatalo o malalampasan ang dami ng halikang ginawa nila ni Nadine sa OTWOL.

“Kissing scenes? Let’s see. We can’t beat ‘OTWOL.’”

Sinang-ayunan naman ni Nadine ang sinabi ni James ukol sa kanilang bagong pelikula. ”Well, this time, super light po siya, as in. Ang na-experience ko po rito, lahat ng eksena, well, coming from ‘OTWOL’ din kasi, so, parang from ‘Diary…’ to ‘Talk Back…’ and ‘Hopeless…,’ ang intensity pataas po siya nang pataas.

“Dito, hindi. Kasi nga po summer movie siya, so, parang gusto po natin na sobrang light lang siya and GP lang.”

Sa kabilang banda, limang araw nag-stay ang magka-loveteam sa Saga, Japan, na kinunan ang ilang importanteng eksena sa This Time. Sobrang na-enjoy nila ang biyaheng iyon dahil nga first time ni Nadine sa Japan at childhood dream niya ang makakita ng Cherry Blossoms.

“I was very happy for Nadine. It’s her first time to see Cherry Blossoms. It’s my second time. It’s been her dream since she was a kid, so, I was very happy for her,”ani James.

Bukod sa memorable experience na ito, itinampok pa sina Nadine at James sa isang sikat na news channel sa Japan.

“We went to eat right after the interview and it was airing on TV and then I looked and I go like ‘wait, are we in the Philippines ?’ We were really surprised.”

Sa kabilang banda, napag-alaman naming sangkaterbang block screening na ang naka-schedule ng This Time  bago pa man ang premiere night nito sa May 3 at regular showing sa May 4.

Matapos ang opening day, nakatakdang lumipad patungong US at Canada ang dalawa para sa continuation ng highly successful JaDine Love concert tour nila sa May 12. One month silang mawawala sa ‘Pinas.

Pero bago ‘yon, birthday ni James sa May 11 at wala pang plano ang dalawa kung paano isi-celebrate ang araw na ‘yon at siyempre, secret pa ang ireregalo ni Nadine sa BF.

Samantala, makakasama ng JaDine bilang support cast sa This Time ang ilang beteranong actor at actress gaya nina Al Tantay, Freddie Webb, Nova Villa, Ronnie Lazaro, Candy Pangilinan at ang Viva artists na sina Yam Concepcion, Donnalyn Bartolome, Issa Pressman at Bret Jackson.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …