Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia alden Richards

Joshua, nangingiti na lang ‘pag ikinukompara kay Alden

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Joshua Garcia, Tatay’s Boy ng Batangas sa PBB All In, na madalas siyang sinasabihang kamukha ni Alden Richards.

Totoo naman kasi. Sa tangkad, kapag nakatalikod at nakatagilid, kamukha nga niya si Alden. Nangingiti lang si Joshua sa tuwing sinasabihan siya ng ganito.

“Masaya na rin ako kasi si Alden (Richards) na ‘yan, eh,” aniya nang makatsikahan namin ang Kapamilya bagets actor sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng BNY Clothing.

“Okey lang sa akin kung ‘yun ang nakikita nila,” sey pa niya na huling napanood sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng ABS-CBN.

Iginiit naman ng owner ng BNY na si Mr. Mike Atienza na hindi nila naging basehan ang pagiging hawig ni Joshua kay Alden kundi akma ang batang actor sa edad na hinahanap nila para maging endorser ng kanilang clothing line.

Pambagets kasi ang BNY kaya tamang-tama si Joshua para sa hinahanap nilang endorser.

Bale two years ang kontrata ng young actor at pinalitan niya si Manolo Pedrosana natapos na ang kontrata.

Ikuwento ng binata na

Sa kabilang banda, napanood kahapon si Joshua sa Ipaglaban Mo na itinuturing niyang challenging role dahil sa bigat ng istorya. Ginagampanan niya ang boyfriend ni Mica dela Cruz na sinalbahe ng sariling ama. “Challenging siya kasi ipinakita ko roon kung paano ko i-handle ‘yung sobrang bigat na dinanas ng girlfriend ko (Mica),” kuwento ni Joshua. “Tapos ini-require pa sa akin ng director namin na kailangan mabilis kong masakyan ‘yung character ko kasi nga two days lang ‘yung taping namin. ‘Yun kaagad ang ipinaliwanag sa akin.”

Sinabi pa ni Joshua na may niluluto pang project na kasama siya hindi nga lang niya alam kung kasama rin dito si Loisa Andalio, ang dati niyang ka-loveteam.

Aminado si Joshua na si Loisa ang pinaka-close sa kanya. ”Close kami, sobrang close kami. Sa showbiz, siya ang pinaka-close ko na artista. Kinausap lang ako ng tatay niya before na barkada lang muna raw. ‘Di pa puwede ‘yung seryosohan kasi nga bata pa kami lalo na si Loisa na 17 pa lang.”

Bagamat wala pang masyadong project si Joshua, umaasa siyang mabibigyan at matutuloy ang nilulutong project lalo pa’t napuri siya sa huli niyang pagganap saMaalaala Mo Kaya na gumanap siyang isang bading.

Anyway, gusto raw bumalik ni Joshua sa pag-aaral dahil nahinto siya nang pumasok sa PBB.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …