Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabata-bataan ni Boobsie, click

BOOBSIE kind of love!! No holds-barred palang kausap ang pinag-uusapan na ngayong komedyana in her own right na si Boobsie Wonderland. Habang palalim na ang gabi sa birthday party ni Jobert Sucaldito, sumalang sa tsikahan with other members of the press si Boobsie. Na magkakaroon na ng kanyang solo concert courtesy of Joed Serrano who’s managing her career na raw ngayon sa KIA Theater on May 13, 2016 billed as Bata… Bata… Anyare?

Kamakailan nga lang kasi ‘ikinasal’ si Bobbsie sa kanyang longtime ‘boyfriend’ na talaga naman daw dumaan sa maraming pagsubok. Tuwang-tuwa nga at gandang-ganda kay Boobsie ang mga pinakitaan nila ng kanilang wedding pic ng kanyang “BF” na naka-tuxedo at siya naman ang naka-gown.

At in-enlighten pa nito ang mga bading sa relasyon na mayroon sila ng kanyang partner. Kasi nga raw dalawang klase ‘yun. Mayroon ‘yung (parental guidance is highly recommended),  parehong nagkakasundo sa mga gustong gawin sa isa’t isa sa  pagniniig. At mayroon namang babae pa rin ang isang partner sa relationship with a lesbian. Kaya nga raw may term na pompiyangan.

Nakatatawang magkuwento si Boobsie. Pero mas natatawa ang audience kapag umaarte na itong parang bata kasama si Gladys Guevarra na si Chuchay  naman sa segment nila sa Sunday Pinasaya.

Hindi mo rin ito kakikitaan ng anumang regrets kung sakaling nagdaan siya sa mga panlalait ng ilang kapanabayan niya sa pag-angat niya to where she is now. Ang alam lang daw niya, gumagawa naman siya ng tama. Kaya ang laki ng pasalamat niya kay Ate Gay nang ito ang maging daan para ang matagal na niyang hindi nakakasamang ama ay matagpuan pa para sa kanilang reunion kaya rin lalong naging masaya ang araw ng kanyang kasal.

Kaya naghi-hit si Mary Jane Arrabis (her real name) sa kanyang audience eh, dahil na rin sa may sarili na siyang tatak na hindi na puwedeng agawin sa kanya ng iba. Kung si Gladys man eh, may karakter na bata rin as Chuchay, si Boobsie naman ang counterpart niya kaya nga sumasabog ang pagsasama nila tuwing Linggo sa kanilang palabas.

Kaya ang nangyayari nga sa career ni Boobsie eh, lalo lang itong umaalagwa dahil para sa kanya ‘charity begins at home’. At sa area na ‘yun ng buhay niya, naisaayos na niya lahat-lahat!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …