Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie, makikipag-aktingan kay Aiko

DOLL along the riles!

Sa bansag na ito nakilala ang dating Pinoy Big Brother 737 housemate na naging GirlTrends member na si Barbie Imperial.

At ngayong Sabado (Abril 30), ang life story niya ang ibabahagi nito sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na makikipagtagisan siya sa aktingan with Aiko Melendez na gaganap bilang ina niyang si Marilyn.

At sa istorya nga ng mag-iina, mag-isang itinataguyod si Barbie at mga kapatid niya, pero sa kabila nito eh, patuloy na hinahanap ni Barbie ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama.

Akala ni Barbie dapat na siyang makuntento sa pagmamahal at pagkalinga ng ina, pero naibulalas pa rin niya ang pangungulila sa ama nang sumali siya sa PBB. Na ikinasakit naman ng loob ng kanyang ina.

Habambuhay na ba nitong malalagyan ng lamat ang relasyon nilang mag-ina?

Kasama sa naturang episode ng MMK sina Ashley Sarmiento, Carlos Morales, Lance Lucido, Paolo Santiago, Dianne Medina, Joj Agpangan, EJ Jallorina, Mikylla Ramirez, Cheska Billiones, at Lowell Conales. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Dado Lumibao, at panulat ni Benson Logronio.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang  MMKtuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …