TAHIMIK ang Star Cinema at mukhang hindi papatol sa kung ano-anong paratang na ipinukol sa kanilang numero unong movie outfit.
Ang pinagtatalunan, kung bakit nakuhang isabay ng Star Cinema ang first team-up movie nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na “Just The 3 Of Us” sa playdate ng movie nina James Read at Nadine Lustre na “This Time” sa May 4.
Naka-schedule raw kasi talaga ng April 27 ang showing ng “Just The 3 Of Us” na isang big Hollywood movie na Captain America: Civil War ang kanilang makakatapat.
At sa takot raw ng nasabing movie outfit, umatras sila at sasabay na lang sa pareho nilang local movie na “This Time” ng JaDine.
Para sa aming sariling opinyon, hindi naman siguro intensyon ng Star Cinema na makipagkompetensiya sa pelikula ng Viva Films. Saka alangan namang pilitin nilang humabol sa nakatalaga sa kanilang playdate kung may huling araw pa na kukuhaan ang pelikula na sabi kaya nabitin ay dahil nagkasakit si Jennylyn.
Kaysa pagtalunan pa, tutal pareho namang maganda ang dalawang pelikula at magkaiba naman ang tema ng “Just The 3 Of Us” na para sa matured audience kasama ang mga karakter ng pilotong si Uno (Lloydie) at naanakan sa pelikulang ground stewardess na si CJ (Jenn).
Samantala pambagets naman ang summer love story na “This Time.” So para wala nang argumento pa, pareho ninyong panoorin at tangkilikin ang nasabing movies na parehong maganda ang pagkakagawa ng mga director na sina Cathy Garcia-Molina (Just The 3 of Us) at Nuel Naval para sa This Time.
Unfair naman para sa Star Cinema ang pagbintangan sila ng mga bagay-bagay na wala naman silang bad intentions.
Sister company ng ABS-CBN at bahagi ng departamento ng Kapamilya ang Dreamscape Entertainment na nagbigay ng malaking break sa loveteam nina James at Nadine sa “On The Wings of Love” tataluhin ba naman nila ito.
Walang record ang Star Cinema pagdating sa pang-aagaw ng booking kaya nagkataon lang ito.
Kaya keep your mouth shout na gyud!
DERRICK MONASTERIO PUNONG-PUNO NG “K” NA MAGING RECORDING ARTIST, SELF-TITLED ALBUM SA GMA RECORDS MABIBILI NA SA RECORD BARS NATIONWIDE
Ang pagkanta talaga ang passion ng young hunk singer-actor na si Derrick Monasterio pero dahil naunang kumatok ang opurtunidad at offer ng GMA 7 na umarte sa harap ng kamera, nag-concentrate muna siya rito at naging successful naman.
Sa katunayan maganda ang ratings ng ongoing teleserye ni Derrick na “Hanggang Makita Kang Muli” katambal si Bea Binene na mapapanood sa Dramarama Sa Hapon ng Kapuso.
Ngayon ay masayang-masaya si Derrick dahil tinupad ng GMA Records ang matagal nang pangarap na magkaroon ng sarili niyang album na mapakikinggan.
Bukod sa pagiging aktor, para sa amin ay punong-puno ng “K” si Derrick na maging recording artist. At bukod sa hindi siya nakakipagkompetensiya sa mga co-artist sa GMA Records specially sa kaibigang si Alden Richards.
Unique ang singing voice ni Derrick na kayang makipagsabayan sa mga kilalang tenor singers like Luciano Pavarotti. At never natakot na kumanta nang live si Derrick dahil bata pa lang siya ay naging member na siya ng isang choir.
Samantala last week ay inilunsad na ang album ni Derrick sa Victorino’s sa Kyusi. Bukod sa mga invited na entertainment press ay sumuporta rin sa kanya ang kanyang loyal fans. Kinabiliban siya ng press dahil memoryado niya ang lahat ng pangalan ng kanyang mga tagahanga. “Dream ko po iyong makita ang mukha ko sa CD, pati na sa record bars,” natatawang bungad ni Derrick sa sariling presscon para sa self-titled album na naglalaman ng seven songs, tatlo rito ay pawang original composition.
“Music po talaga ang nasa puso ko nang pasukin ko ang showbizness, pero mas nauna nga po ang acting. Singing is my first love, member ako ng choir namin noon sa Claret School. I even joined several singing competitions at school, at ilang beses na rin akong nakasama sa mga competitions abroad na ipinadadala kami ng school. Kaya ngayong narito na, nagawa ko na ang debut album ko, masasabi kong nagsimula na ang success ko nang bigyan ako ng GMA Records ng album, maraming-maraming salamat po.
Ang mga songs na included sa kanyang first album ay Paano Nga Ba, Bato Balani at Reyna, Kailangan Kita at Kailangan Mo, na duet nila ng grand winner ng Bet ng Bayan na si Hannah Precillas, at ang carrier single titled “Give Me One More Chance” ni Gary Valenciano.
Bonus track naman ang “Ang Aking Puso” na duet ni Julie Ann San Jose at MTV. Excited na rin si Derrick sa nalalapit na mall tour at dream din niyang magkaroon ng mga concert in the near future.
Regular rin pa lang mapapanood si Derrick sa Vampire ang Daddy Ko, at kaya sinusuwerte ay dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya.
Isang ulirang anak gyud!
TATAY NA PINABAYAAN NA NG KANYANG MGA ANAK PINALAD NA MAGWAGI NG DAANG LIBONG PISO SA SUGOD BAHAY SA BARANGAY
Napalitan ng kasiyahan ang lungkot at pangungulilang nadarama ni Daddy Mariano, sa kanyang mga anak nang siya ang palaring manalo noong Miyerkoles sa Sugod-Bahay sa Barangay sa Eat Bulaga.
Kahit na anong pilit na unawain siya ng kanyang kids at ng babaeng kasama sa buhay sa matagal na panahon ay nag-aruga sa kaniya ngayong maysakit ay hindi siya maintindihan.
Tingin raw ng mga anak ay laging contravida sa buhay nila ang babae. Pero siyempre ang goal ng Eat Bulaga ay mapagkasundo si Daddy Mariano at ang nakakatampohang mga mahal sa buhay.
Samantala sa situwasyon ng matanda, na kailangang-kailangan ng financial assistance para sa kanyang pagpapagamot at medication sa sakit na diabetes, bukod sa mga napanalunang sangkatutak na paremyo at cash mula sa Coca Cola, Puregold, Hanabishi Appliances, Villarica Pawshop, Hapee Toothpaste atbp ay pinagkalooban pa siya ng Eat Bulaga ng halagang 90K.
So umabot sa almost 150K ang nakamit nitong grasya, na personal na iniabot sa kanya ng sugod bahay Gang na sina Jose, Wally at Maine Mendoza.
Siyempre pinagkalooban rin si Daddy Mariano ng Bossing Savings Bank at ATM na mayroon ng initial deposit.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma