Friday , November 15 2024

Filipino mas ginagamit ang puso kaysa utak

ANG mga taga-silangan na tulad nating mga Filipino kadalasan ay kumikilos gamit ang damdamin o puso bilang batayan at hindi ang isip o utak.

Ito ang dahilan kung bakit tayo ay likas na sensitibo o ma-drama kompara sa mga taga-kanluran. Ang pagiging maramdamin din ang dahilan kung bakit tayo may ugaling paligoy-ligoy at hindi sukat ang mga salita.

Halimbawa: kapag tayo ay inimbitahan sa isang salo-salo at hindi tayo makararating, ang mas madalas nating isasagot sa nag-iimbita ay titingnan o susubukan natin. Dahil ayaw natin na mapahiya o masaktan ang damdamin ng nag-iimbita kaya hindi natin tahasang sasabihin na tayo ay hindi makararating.

Ang resulta ay nagiging magaling tayong bumasa sa gitna ng mga salita…’ika nga “we are good in reading between the lines.”

Kabaliktaran ang ugali natin sa mga taga-kanluran na tahasang sasabihin sa atin kung ano ang nararamdaman nila kesehodang masaktan tayo.

Ngayon, dahil din sa damdamin ang umiiral na batayan sa ating mga pagdedesisyon ay may palagay ako na mas tapat tayo sa ating nararamdamang sinasabi kaysa mga kanluranin na pinipili ang mga bagay na sasabihin bago lumabas sa kanilang mga bibig.

Ang isang bruskong Filipino ay ‘di hamak na mas matapat sa mga sinasabi kompara sa isang “western educated person” na sine-censor muna ang sasabihin bago sabihin.

Ang ganitong batayan, sa palagay ko, ang dapat gamitin ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong iboboto. Mas delikado ‘yung mga repinado’t aral na aral sa mga kanluraning asal dahil mas may katiyakan na hindi maglilingkod para sa interes ng bayan.

Ang mga ganitong kandidato ay mga banyaga na nagkukunwang Filipino lamang.

Ano ang palagay ninyo?

* * *

Nawawala raw ‘yung sinasabing nanghingi ng pera sa mga matandang nabiktima ng laglag bala sa airport.

 Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *