Thursday , December 19 2024

Kinabog silang lahat ni Mar!

I’M not in any way remotely connected with Mar Roxas. As a matter of fact I was able to              meet him only twice and this was sometime in December of last year when he tendered a Christmas party for the press and when he expressed his desire to become a presidential canditate many years ago.

Anyway, going back to his party tendered for the working press, walang bahid politika ang nasabing okasyon. Mar even gamely sang for the press kasama ang mga kaibigan niyang pulitiko.

Looking back, matagal ko nang hindi nakikita si Mar. Like I said, many years ago, I got invited to his fabulous abode along P. Tuazon and he was aiming for presidency then. Nevertheless, he gave way to Pnoy when he became their party’s frontrunner.

Anyway, natuwa naman ako sa outcome ng survey ng April 24 Presidential debate ng Inquirer net website na pulling ahead talaga siya laban sa kanyang mga kalaban garnering a whopping 7,860 votes representing the 55.97% of the total votes.

Daterte came in second with 3,780 votes or 26.92%, Senator Grace Poe with 1,762 vote or 12.55%, Defensor Santiago with 430 votes or 3.06% and Binay with 211 votes or 1.5% of the votes.

Diyan palang ay makikita na ang jolting change in the attitude of the voters ngayong na-witness na nila ang capabilities ni Mar.

Ang kanyang talino sa pagsagot sa mahihirap na katanungan, hindi pabarubal na tulad ng isang presidentiable.

Mirriam Defensor Santiago could have posed a serious threat but the treatment of her ailment has stood in the way of her giving a most brilliant performance.

Kawawa naman.

‘Yung isa namang presidentiable ay naging katawa-tawa ang arrive dahil lihis sa mga katanungan ang kanyang sagot. Hahahahahahaha!

‘Yun namang isa na paborito ng masa ay barubal kung magsasagot at parang walang edukasyon. Hahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

Election Special ng Reporter’s Notebook ngayong huwebes!

 Ngayong Huwebes (April 28), ihahatid ng Reporter’s Notebook ang election special episode na “Barangay Mayaman.”

Ang Barangay Mayaman sa Marogong, Lanao del Sur ang itinuturing na pinakamahirap na lugar sa bansa. Kabaligtaran ng kanyang pangalan, salat sa maraming pangunahing pangangailangan at maging sa mga impraEstrUktura ang barangay.

Dito nakilala ng Reporter’s Notebook si Mawiuag Moslemen, panganay sa tatlong magkakapatid. Sampung taong gulang na si Mawiuag pero hindi pa rin siya nakapagsasalita. Hindi rin siya makalakad o makagalaw nang mag-isa. Ni minsan, hindi pa siya nadala sa ospital o naipatingin sa espesyalista. Polio ang pinaniniwalaang sakit ni Mawiuag.

Walang health center sa Barangay Mayaman. Hindi rin naman sapat ang kinikita ng kanyang ama na si Mang Alano mula sa pagkokopra kaya hindi siya makabili ng gamot. Hindi rin maibaba sa bayan ng kanyang ama si Mawiuag dahil malubak, maputik at walang kongrektong kalsada sa Barangay Mayaman.

Paano nga ba malulunasan ang kahirapan at kasalatan sa Barangay Mayaman? Ito ang tanong ng mga residente rito sa mga bagong manunungkulan sa Filipinas.

Huwag palalampasin ang “Barangay Mayaman” sa Reporter’s Notebook ngayong April 28, 11:35 p.m, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Dennis Trillo lalabas ang kapilyohan sa bagong show

Hindi makapaniwala si Dennis Trillo na sa GMA Network pa niya magagawa ang isang serye na may halong ka-sexyhan. Aniya, marami na siyang naughty roles sa pelikula at first time naman niya itong gagawin sa telebisyon sa pinakabago niyang programa, ang Juan Happy Love Story. “Nakagawa na ako ng mga naughty roles sa pelikula pero siguro, ito na ‘yung pinaka-naughty. And nakakapagtaka, rito ko pa siya magagawa,” nangingiting kuwento ng Kapuso Drama King. Sa May 16 nakatakdang magsimula ang serye ni Dennis sa GMA Telebabad.

Mikael Daez enjoy sa roles na ibinibigay ng network

Tuwang-tuwa si Mikael sa mga ibinibigay sa kanyang proyekto ng Kapuso Network dahil mas nahahasa raw siya bilang isang artista at nasusubukan niya ang iba’t ibang genre. “Opportunity ito na magpakita ng range, ng versatility, and at the same time ay mag-experiment sa sarili ko. Kung kaya ko ba ‘to? Hanggang saan ko ba kayang dalhin ‘yung character na ganito sa bawat genre? Kaya I’m very happy to be given quality roles by the Network and I make sure na I give my all to be worthy of their trust.”

Kasalukuyang napapanood si Mikael sa primetime series na Poor Señorita.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *