Sunday , December 22 2024

Kandidatong Vice Mayor may Pending case sa Sandiganbayan

ISANG kandidato para bise alkalde sa lalawigan ng Cavite, ang may lakas ng loob na kumandidato ngayong 2016 elections sa isang bayan ng nabanggit na lalawigan, gayong may kasong malversation of funds, na kasalukuyang dinidinig sa Sandiganbayan, na pansamantalang nakalalaya dahil naglagak ng kaukulang piyansa.

***

Ang nasabing dating alkalde noong taon 2013 ay sinampahan ng kasong Malversation of Funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code sa tanggapan ng Ombudsman dahil umano sa paglulustay ng P1 milyon mula sa Presidential Social Funds ng pamahalaang lokal ng bayan na pirmado ni Danilo S. Lopez, Director, Prosecution, Bureau II, Office of Special Prosecutor Office of the Ombudsman.

***

Ang mga nagreklamo rito ay binubuo ng kasalukuyang alkalde, limang miyembro ng Sangguniang Pambayan, kabilang din ang representative ng Land Bank of the Philippines.

Isa sa nagreklamong miyembro ng SB ay katiket ngayon ng nasabing tatakbong bise alkalde.

***

Dati-rating Alkalde noong taon 1995 hanggang 2004, nagbakasyon nang ilang taon at pagsapit ng taon 2007, natalo sa eleksiyon ng kasalukuyang alkalde ng nasabing bayan. Taong 2013, buwan ng Enero nang sampahan ng kaso ang nabanggit na kandidato para bise alkalde, matapos madiskubre ang katiwaliang ginawa nito.

Taon 2014, buwan ng Hulyo, dumalo sa hearing ang isang alkalde na kasamang nagsampa ng reklamo laban sa kanya at hinihintay ang desisyon ng Sandiganbayan, na kaya naantala ay dahil sa sagutan ng mga legal counsel ng magkabilang panig.

***

Higit na nakapagtataka, paanong naging kapartido niya ngayon ang isang tumatakbong Konsehal, gayong kabilang ang nasabing Konsehal sa nagsampa ng reklamo sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman..

‘Yan ang eleksiyon, kaaway mo ngayon kakampi mo Bukas!

***

Ang tanong mga ‘igan, magkano na kaya ang isinusuka ng dating Alkalde sa kasong  kinasasangkutan, ang nakapagtataka at tanong ng bayan, bakit siya lang?

Hindi ba dapat, kasama ang ilang opisyal ng nasabing bayan? Kaya siguro nagtatagal ang nasabing kaso!

Tulog na tulog!

Umiiyak na ang mga kandidato

ILANG  araw na lang halalan na! Marami nang umiiyak na kandidato s iba’t ibang posisyon, partikular ang mga independiyente, dahil walang tigil ang solisitasyon ng mga botante, lalo na kung ang kandidato ay may mga botanteng informal settlers o mga iskuwater. Sila ang numero unong totoong nangangailangan ng tulong, ngunit karamihan ay nagsasamantala, kaya ‘di nakapagtataka na dumugo na ang bulsa ng mga kandidato. Isang kandidato sa lungsod ng Pasay ang nagsangla na ng kanyang real property — P6 na milyong piso, para lamang itulong sa mga nangangailangan.

***

Kapag hindi napagbigyan sa inilalapit na tulong, huwag nang umasa na iboboto ka! “Hindi pa ‘yun, ititsismis ka pa na KURIPOT, WALANG SILBI! Kahit totoong may magagawa ka, sasbihin WALANG KUWENTA! ‘Yan ang politika, kaya kung wala kang pera huwag ka nang maghangad pa na mananalo sa halalan!

Kung may sumbong at reklamo, mag-email lang sa [email protected]

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *