Monday , December 23 2024

Heart tinalbugan si Rhian sa Lip Sync Battle Philippines Suportado ang Mister na Senador sa “Run With Chiz”

LAMANG ang performance ni Heart Evangelista kompara sa nakatunggaling si Rhian Ramos noong Sabado sa “Lip Sync Battle Philippines” sa GMA7.

Kabog talaga ng misis na actress ng vice-presidentiable na si Sen. Chiz Escudero si Rhian lalo na nang i-lip sync ang hit classic song ni Queen of Pop Madonna na “Vogue.” Madona talaga ang arrive ni Heart sa kanyang outfit.

Nag-Bonnie Tayler naman si Rhian at ini-lip-sync ang worlwide hit ni Bonnie during 80s na “Total Eclipse of the Heart.”

Sa Round 2, ibinirit ni Heart ang buwis buhay song ng grupong Aegis na “Halik” samantala si Rhian ay nagpakitang-gilas sa awiting “Lord Patawad” ni Basilyo. Masaya at tuwang-tuwa si Heart sa pagkakapanalo niya sa top-rating musical reality competition hosted by Michael V and Iya Villania dahil first time daw niyang magwagi sa ganitong contest.

“Ang saya-saya lang. I’ve never won in my life before. Nakatutulong talaga na kailangan lang positive, happy, happy lang. Paulit-ulit na ko but it’s true. Kailangan ini-enjoy lang ang lahat sa buhay,”  kuwento ni Heart.

Talagang hindi makalimot ang Kapuso actress, sa kanyang winning moment at nag-post pa sa Instagram ng kanyang photo hawak ang kaniyang Lip Sync Battle championship belt. “Grabe ‘di ko talaga akalain! Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan, heartworld, sa mga nanood, sa staff, sa lahat ng dancers! Maraming-maraming salamat! This was unexpected and truly a happy moment for me, @wianwamos you were amazing and thank you, for always making me smile! Love you missy! Hehehe! Pretty fun stepping out of my comfort zone Ahhhhhhh I won!” sey ni Heart sa caption ng kanyang IG photo.

Samantala nitong nakaraang weekend ay nakitakbo si Heart sa supporters ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero na nag-organize ng “Run with Chiz,” isang fun run para sa pagsuporta sa kandidatura ng butihing senador.

Pakontes sa Facebook na may premyong 500 euro ni Tyrone Oneza click sa fans, Recording artist abala sa kanyang European Tour

Patuloy na gumagawa ng pangalan sa bansang Europa ang hunk singer-actor na si Tyrone Oneza na isang jetsetter. Sa katunayan iniikot ngayon ni Tyrone ang iba’t ibang parte ng Europa na may imbitasyon sa kanyang mga show na napo-promote rin niya ang kanyang self-titled album na “Tyrone Oneza, Dito Sa‘king Piling” ganoon na rin ang kanyang music videos na lume-level sa foreign MTVs.

Sa susunod na linggo ay nasa Geneva, Switzerland ang recording artist na iniidolo ng masang Pinoy. Sa May 4 ay personal naman siyang makikita ng kanyang mga tagahangang OFW sa Geneva, Switzerland at sa Portugal ngayong May 14. May itinatago rin palang talent si Tyrone pagdating sa paghahatid ng balita at deserving siyang maging news correspondent sa Europa dahil mahusay siyang mag-deliver ng news at pinatunayan niya ito sa prusisyon ni Mama Mary na dinaluhan ng mga Italyano sa Madrid.

By the way, dahil laging nasa puso ang pagtulong sa kapwa, araw-araw ay may pakontes si Tyrone sa kanyang FB account, na may pinahuhulaang mga bagay at tungkol sa kanyang singing career. Fabulous ang prizes na ipinamimigay sa mga nabubunot na winner na Euro, mula 100 hanggang 500 euro na ang katumbas ay more than 25K. Lahat ng entries ay galing sa fans ni Tyrone dito sa Pinas.

Doon naman sa mga hindi pa nakabibili ng CD album ni Tyrone na ini-released three years ago, may pagkakataon pa kayo para ma-avail ito sa #ITunes,#Amazon.Com, #OPM2GO, #-CD Baby at Youtube. Kabilang sa dalawang songs na included sa kanyang album na kasalukuyang ipino-promote ni Tyrone ang revival niya ng hit song ni late Ric Segreto at naging movie themesong ng blockbuster movie noon nina Fernando Poe Jr., at Sharon Cuneta titled “Kahit Konting Pagtingin” at ang “Nag-iisa Ako, Naghihintay Sa‘Yo” na nilikha mismo ng hunk na mang-aawit at namayapang mother na si Nanay Bessie. Para sa kanyang nanay ang nasabing awitin na tuwing kinakanta ni Tyrone, ay hindi mapigilan ang mapaluha.

Tuition fee ng mga bata solve na sa “classroom superstar” sa Eat Bulaga

Tulad ng public service segment ng Eat Bulaga nmga magulang ng mga bata ang kanilang pang-enroll, tuition fee ganoon na rin ang pambili ng gamit pang-eskuwela at kung may sosobra pa ay pambaon sa school. Hindi lang ang sumasaling mga mag-aaral sa elementarya ang natutulungan ng Bulaga maging ang mga batang nanonood sa kani-kanilang mga bahay ay nabibigyan ng No.1 noontime show sa Mega Manila ng mas malawak na kaalaman sa edukasyon lalo sa Mathematics, na isa sa pinakamahirap na subject sa ano mang level ng mga estudyante sa buong mundo. Kinagigiliwan rin ng lahat sa Classroom Superstar si Alden Richards na pinakaguwapong teacher sa Philippine Local TV.

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *