Arnell, pinagkaguluhan dahil sa Duterte watch na ipinamimigay
Ronnie Carrasco III
April 27, 2016
Showbiz
SA isang showbiz party kamakailan, kulang na lang ay pagkaguluhan si Arnell Ignacio ng ilang mga bisita roon.
Hindi ang kanyang bagong look ang makatawag-pansin kundi ang kanyang “pagbibida” sa isang campaign rally. ”Oy, Arnel, pahingi naman ng Duterte watch!” “Arnel, ako rin, pahingi!”
Tatawa-tawang sagot ng hitad sa mga nanghaharbat ng relos, ”Sige, magpapagawa uli ako!”
Instantly, naisip naming walang duda na bago ang okasyong ‘yon kung saan namin siya namataan ay galing ang TV host-comedian sa rally ni Davao City Mayor na tumatakbong presidente.
Wala ring pag-aalinlangan na siguro’y nag-sponsor si Arnel ng mga pinasadyang relo bilang giveaway sa rally ni Digong. And for sure, dahil naroon na rin lang siya ay baka nag-perform pa si Arnel, sabay hikayat sa mga taong iboto si Duterte sa darating na May 9.
Pero maitatanong lang: ang okasyong ‘yon ay nitong April 16 pa. The following week had seen a series of controversial news na kinapalooban ni Digong: magmula sa kanyang rape joke na umani ng kaliwa’t kanang btikos mula sa mga women’s rights group hanggang sa mga banyaga.
But a defiant Duterte ay hindi natinag, nagbanta pa nga siyang wawakasan ang ating ugnayan sa Amerika at Australia kung papalaring maging Pangulo.
As we speak now, hindi kaya magbago ng isip si Arnel sa kanyang minamanok? Aba, hindi pa huli ang lahat, ‘no!
Diether, na-comatose at ‘di tinanggal
NO, buhay pero comatose lang pala si Diether Ocampo (George) saBakit Manipis ang Ulap?, entonces, there’s no truth sa balitang tinanggal na siya sa teledramang ito ng direktor na si Joel Lamangan!
Nagsimula muna kasi bilang blind item ang tungkol sa isang cast member, na dahil sa pasaway nitong attitude sa set ay nanganganib “patayin” sa kuwento. Later, nagkamali ang ibang humula na si Claudine Barretto ‘yon na malamang ay back to her old ways.
Later, pinangalanan na ‘yon bilang si Diether, at ang itinuturong dahilan ay ang kanyang problema about moving on with his life after his breakup with his girlfriend.
All this ay “pralala” lang pala! Pero kung idea ito ng Viva TV o TV5—o pinagsanib nilang puwersa—para lalong tumaas ang viewership ng BMAU, well, nagtagumpay sila.
Ang siste, si Ruffa Guierrez (Vera) pala ang sumagip kay Diether mula sa plane crash sa Palawan, ipinakupkop niya ito para bumuti ang kalagayan dahil bahagi pa rin ‘yon ng kanyang masamang layunin sa buhay ni Claudine (Marla).
‘Yun naman pala.