Friday , November 15 2024

1 patay, 2 sugatan sa ratrat sa Kyusi

 PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ni Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Eduardo Deobago, 25, ng Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

Habang malubhang nasugatan sina Sammy Montas, 21, ng 150 Sta. Maria St., at Ernesto Baldoza, 60, ng Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, kapwa nakaratay sa nabanggit na ospital.

Samantala, inilarawan ng mga saksi ang mga suspek na kapwa nakasuot ng bullcap, may taas na 5’1″ hanggang 5″3’, katamtaman ang pangangatawan, at kapwa rin nakasuot ng jacket.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagkatayo ang tatlong biktima sa harap ng isang vulcanizing shop sa Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, dakong 11:30 p.m. nang lapitan sila ng mga suspek at sila ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay kaswal na naglakad lamang palayo ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *