Sunday , December 22 2024

Salonista, masaya at masalimuot na buhay ng mga parlorista

PREMIERE night noong April 19 ng pelikulang Salonista sa Cinema 2 ng Robinson’s Galeria na idinirehe ni Sandy Es Mariano. Isa itong advo/docu film na tumatalakay sa mga taong nagtatrabaho sa salon o parlor.

Bida ang indie actor na si Paolo Rivero bilang si Guada. Malakas ang kanyang salon pero may sarili rin siyang pasanin sa buhay, ang kanyang tatay na ‘di matanggap ang kanyang kabaklaan kaya lumayas ng Cabanatuan at nagtayo ng parlor sa Manila.

Kasama rin dito si JC Castro, ang dating sexy actor na ang role ay isang baklang nagtatrabaho sa salon pero pamilyado. 

Nakagugulat ang akting ng dating manunulat na si Chufa Mae Bigornia (dating Arnold B) dahil mahusay ang kanyang pagganap bilang isang masayahing baklang-parlor na bagamat screaming faggot ay naroon ang malasakit sa pamilya at ang pagnanais na magkaroon ng sariling parlor. 

Mahusay din ang akting ni Natasha Ledesma na hanggang ngayon ay maganda, sexy, at kaakit-akit pa rin. Inire-represent naman niya ang babaeng parlorista na may problema rin sa pamilya dahil ang kanyang kinakasama ay nananakit ng asawa.

Si Ynez Veneracion naman ay isang artista na madalas nagpapaayos sa salon pero sa kabila ng kanyang kasikatan ay naroon ang pagiging mapang-mata sa kapwa, mapang-maliit at ubod ng bilib sa sarili. 

Sa pamamayagpag ng salon ni Guada, nagsipagsara ang mga maliliit na parlor. Nagwelga ang mga apektadong bakla sa harap ng parlor ni Guada, kasabay ang pagpapalayas ng may-ari kay Guada dahil nabalitaan nitong may mga nangyayaring kababalaghan sa parlor. 

Natumbok ng pelikula ang mga problemang kinakaharap ng mga parlorista at salonista. Ang kanilang pagsusumikap sa araw-araw, ang mga balakid at ang peligro sa pakikipagtalik sa mga taong nakilala lang sa kung saan-saan at ang pagtitiis kahit nasasaktan, mabuo lang ang pamilya. 

Sa premiere night, mga beki ang  karamihan sa mga nanood. Marami sa kanila, salonista.

Bawat eksena ay nakare-relate sila. 

Sigaw ng sigaw sila sa mga binibitiwang dialogue ng mga nagsipagganap. Silang-sila iyon, nakikita nila ang kanilang mga sarili sa pelikula. 

Congratulations sa bumubuo ng pelikula at ipalalabas ang Salonista sa mga Robinson’s cinema sa buong Pilipinas. Ang Salonista ay initial offering ng Lord Cedric Films. 

Binabati rin namin ang mga producer nito na sina JC Castro, Mike Cervera, ang presidente ng Salonista Association of the Philippines, at ang kanyang magandang asawa na si Madam Tina.  

About Timmy Basil

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *