Saturday , November 16 2024

Arresting officer binoga ng tanod, suspek sugatan din

SUGATAN ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng isang barangay tanod habang inaaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking kapitbahay ng suspek sa bisa ng warrant of arrest kamakalawa sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang sugatang pulis na si PO2 Eduard Paggabao, ng QCPD Lagro Police Station 5, tinamaan ng bala sa ibaba ng dibdib.

Habang sugatan din ang suspek na barangay tanod na si Isandro Pre, 43, residente ng Champaca St., Brgy. Pasong Putik , Fairview, ng nasabi ring lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 a.m. sa Champaca West St., Brgy. Pasong Putik. Habang isinisilbi ni PO2 Paggabao ang warrant of arrest kina Elmer Pajarito at Angel Villanueva, nang paputukan siya ni Pre at tinamaan si Paggabao. Bagama’t sugatan ay gumanti ng putok si PO2 Paggabao na ikinasugat ni Pre.

Bunsod nito, nakatakas ang dadalawang aarestuhin sana na sina Pajarito at Villanueva.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *