Vendors sa bangketa naglipana
Amor Virata
April 25, 2016
Opinion
ANO ang ginagawa ng mga tauhan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Quezon at ng mga tauhan ng MMDA sa mga nakahambalang na illegal vendors sa harapan mismo ng isang kilalang otel sa EDSA Cubao, Quezon City?!
Mukhang nagmamantika na ang nguso ng mga nakatalagang anti-vendor squad, sa mga ‘lagay’ mula sa mga vendor, kaya siguro bulag sila rito!
***
Idagdag pa ang fencing na inilagay ng ginagawang Hotel 99 sa nabanggit na lugar, magkano kaya ang ‘lagay’ sa building official?
Punong-puno ng vendors, hindi pa maraanan ang bangketa. Kaya ang mga pasahero mula sa MRT sa kalsada na nagdaraan, dahil nga kumpol ang vendors at ang harang na inilagay ng ginagawang Hotel 99.
Mukhang walang permit sa DPWH, ayon sa aking
source, dati meron, e paso na! Mukhang nagmamantika na nguso ng MMDA sa ‘tong’ kaya malalaks ang loob ng mga vendor!
Baklitang gamit ang red plate, kasama ang boylet
Isang Department Head ng Pamahalaang lokal ng bayan ng Noveleta, Cavite, na miyembro ng third sex, ang umano’y ginagamit ang government vehicle na inisyu sa paggimik, kasama ang kanyang ‘boylet.’
Maepal umano ang mukha ng baklita, na itinalaga ni Noveleta Mayor EnricoAlvarez, bilang hepe ng HR sa Noveleta Municipal Hall.
***
Bukod sa naka-red plate na sasakyan, dahil wala yatang garahe sa kanyang bahay, mistulang reyna ng daan kung iparada ang gov’t vehicle imbes madaanan ang kalsada ginawang paradahan. Ginawang parking lot ni baklitang R.S.
Sabi ng isang residente ng Noveleta, hindi raw dapat sa HR nilagay ni Mayor, kundi sa basurahan dahil nakasusulasok umano ang ugaling mayabang ni baklita.
***
Dati umanong Executive Secretary ni Mayor Alvarez si baklita, ngunit inalis sa puwesto at pinalitan ng iba, dahil umano hindi marunong humarap sa mga taong pumupunta sa tanggapan ng Alkalde!
Napatunayan ng inyong lingkod na hindi lang mayabang si Baklita, may pagkabastos pa!
Mayor Alvarez, sa basurahan mo nga itapon ang baklitang ‘yan!
Tsismis ba 0 totoo
Kalat na kalat sa lalawigan ng Cavite na itong si Cavite Governor Jonvic Remulla ay bumitaw na kay VP at Presidential Bet Jejomar Binay, at si Rodrigo Duterte na umano ang dinadala. Hindi natin makontak ang governor pati ang UNA spokeperson, JV Bautista. Ang mga nagpapasabog ng balita ay mula sa partidong Liberal… how true Gov. Jonvic?
Pigsa epidemic ngayong tag-araw
Sobrang init, nagsisimula nang sumingaw sa balat ng mga preso sa lahat ng City jail sa kalakhang Maynila, ang pigsa at bungang-araw, kaya ngayon pa lamang ay dapat maging alerto ang mga jail warden para huwag kumalat ang epidemya ng mga nabanggit na sakit sa balat!
Mga kandidatong walang pera matatalo…
Kung wala kang pera, wag kang tumakbo! Ito ang nagiging panuntunan ngayon kapag sumasapit ang araw ng halalan, dahil maraming nagsasamantalang humingi ng tulong. Walang kandidatong nanalo nang hindi gumastos! Gaya sa lungsod ng Pasay, ikot sa lahat ng kandidato ang mga nagsasamantala, ginagamit pa ang kanilang birthday para ipanghingi! Wala na ngang makain magseselebryt pa ng bertdey! Ang tanong bertdey nga kaya?
***
Ilang tulog na lang, eleksiyon na, kawawa ang mga matatalo, tiyak kukuwentahin ang nagastos, merong malakas ang loob na uulit kumandidato. Meron nadadala na at ayaw na. Meron nangutang, ‘pag naupo at nanalo saka magbabayad… saan kaya kukunin ang ipambabayad? Pustahan tayo, dalawang araw bago ang araw ng halalan, umpisa na ng mga patagong pagbibigay ng P500 – P1,000 sa mga botante, kalakaran na ‘yan — ang BILIHAN NG BOTO!
Kung may reklamo o sumbong mag-email lang sa [email protected]