Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruffa at Dindi, nagpapatalbugan pa rin

NAKORONAHAN na ang susunod nating kinatawan sa Miss Universe sa katatapos lang na Binibining Pilipinas, and we couldn’t help na magbalik-tanaw noong early 90’s kung kailan magka-batch sa naturang timpalak sina Ruffa Gutierrez at Dindi Gallardo.

Back then, matindi ang kompetisyon sa kanilang dalawa dahil it was the Binibining Pilipinas-Universe title that Ruffa wanted to win.  Si Dindi ang ipinadala saMiss Universe pageant, while Ruffa bagged the Second Princess crown in the Miss World na idinaos sa South Africa.

Fast forward. Natapos man ang paligsahan nina Ruffa at Dindi, heto’t nagpapatalbugan naman ang dalawa sa kamalditahan school of acting!

Both are cast in TV5-Viva’s Bakit Manipis ang Ulap. Parehong scheming ang karakter nila na kunwari’y bait-baitan  pero nuknukan  ng kasamaan ang pag-uugali.

Parehong balak nina Ruffa at Dindi na gawing impiyerno ang buhay nina Marla (Claudine Barretto) at Alex (Meg Imperial), respectively. Paghihiganti ang kay Ruffa, ambisyon at kapangyarihan naman ang kay Dindi.

So far, the former beauty queens are doing justice to their roles. ‘Yun nga lang, between the two ay mas fashionista ang arrive ni Ruffa although corporate si Dindi.

Watching Ruffa and Dindi sa kanilang magkakahiwalay na eksena, iisipin ng viewers na “extension” ‘yon ng casual wear competition ng Binibining Pilipinas noong time nila.

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …