Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, no comment sa pagli-link kina Bea at Lloydie (Single/Single, nagbabalik )

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT itinanggi na kapwa nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na may ugnayan sila, hindi pa rin naiwasang kunan ng pahayag ang mga babaeng na-link din sa actor.

Isa na rito si Shaina Magdayao na naging girlfriend ni John Lloyd ng mahigit din sa isang taon. Subalit tumangging magsalita si Shaina at sinabing wala siya sa posisyon para magsalita ukol sa pagkaka-link ng dati niyang BF at ni Bea.

Ukol naman kay Angelica Panganiban, aminado si Shaina na hindi talaga sila magkaibigan ng aktres. Kung ating matatandaan, si Angelica ang ipinalit sa kanya noon ni John Lloyd.

Samantala, ‘leveled-up na!’ Ito ang tinuran ng cast ng Single/Single Season 2 sa kanilang pagbabalik sa Cinema One sa May 15, 10:00 p.m.. NAGBABALIK ang breakthrough series ng Cinema One na nagtatampok sa Kapamilya stars na sina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli.

Ang pag-leveled-up na tinutukoy ay sa entertainment at relevance para sa bagong henerasyon na kung tawagin ay millennial. Hindi pa rin siyempre mawawala ang katatawanan at kilig vibes na minahal ng mga manonood sa season 1.

042216 single single

Ito bale ang kauna-unahang proyekto ng Cinema One at ng The Philippine Star na naka- focus sa iba’t ibang issue tulad ng quarter-life crisis at relationship dilemmas na nararanasan ng mga millennial.

Itutuloy ng season 2 ang pagsasama ng kapangyarihan ng cable at print media para ihatid sa mga Filipino millennials ang mga aral tungkol sa “how to be an adult.” Matapos ipalabas ang bawat episode sa Cinema One, isang makabuluhang diskusyon ang siya ring ilalabas sa Business Lifestyle section ng Philippine Star na isusulat ng wealth management expert and inspirational speaker na si Francis Kong.

Sa season 2, magkakaroon ng importanteng bahagi ang social media sa pagpapapalaganap ng diskusyon sa mga  millennial.

Nagbabalik din sa serye ang beteranang aktres na si Cherie Gil na gaganap bilang single mom ni Matteo, ang award-winning Cinema One Originals actress na si Anna Luna bilang career-driven buddy ni Shaina, at theater actor na si Brian Sy bilang bading na kaibigan ni Shaina.

Ang Single/Single ay idinidirehe ng international award-winning independent cinema director na si Pepe Diokno, sa panulat ng Palanca winner Lilit Reyes at ipinrodyus ni Bianca Balbuena, na kamakailan lang napasali sa panel ng kilalang Berlinale Talents.

Ang mga episode ng bagong season ay lalabas sa Cinema One tuwing Linggo, 10:00 p.m. at magkakaroon din ng replays tuwing Miyerkoles at Sabado, 9:00 p.m.. Mapapanood din sa PhilstarTV.com ang mga episode.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …