ISA ako sa laging tumututok sa bagon game show sa ABS CBN na Family Feud hosted ni Luis Manzano every Saturday and Sunday. Actually, dati ko pa itong paborito talaga at lagi kong pinapanood ito na ang host pa ay si Richard Dawson.
Hindi ito ang first time na nagkaroon ng local Family Feud sa ‘Pinas. Bago si Luis, ang naunang host nito ay sina Ogie Alcasid sa ABC5, at Richard Gomez, Dingdong Dantes, at Edu Manzano sa GMA-7 naman.
Anyway, si Luis din pala ay fan ng Family Feud sa Amerika, kaya sobrang saya raw niya sa bagong game show na ito.
“It’s a little bit more overwhelming. Every show is overwhelming pero for a show na fan ka, kasi iyong sa States pinapanood ko iyong kay Steve Harvey kaya kahit ako nae-entertain.
“Kaya noong sinabi nila sa akin na they’re considering me to do Family Feud, sobrang natuwa na ako. Kung ano iyong ibinibigay ko sa ibang mga game shows, mas dadagdagan ko,” wika ng actor/TV host.
Samantala, tinawanan lang ni Luis ang intriga ukol sa kanyang gender.
“Bata pa lang ako iyan na talaga. Siguro hindi lang nila makuha iyong katawan ko,” nakatawang biro niya.
“Iyong pagnanasa nila siguro rurok na. Kunwari iyong bakla, walang masama sa pagiging bakla. It is not a derogatory term.
Kung bakla ka, bakla ka by all means. Pero alam mo kapag ginagamit siya bilang masamang pang-asar.
“Kung bakla ka, then go ahead, there’s nothing wrong with being gay. Pero kapag iyong tira sa akin, tira eh. Ginagamit siya with a negative connotation, so para sa akin mali iyon.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio