Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

2 MMDA street sweeper sugatan sa van ng parak

SUGATAN ang dalawang  street sweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang masagasaan nang rumaragasang van na minamaneho ng isang pulis kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit Sector 3, malubhang nasugatan si Renato G. Bakain, 57, nakaratay sa East Avenue Medical Center, residente ng Pasig City. Siya ay nagkaroon ng bali sa paa at nabagok ang ulo.

Habang si Christina Carreon, 50, residente ng Tondo, Manila, ay nagalusan lamang.

Samantala, agad sumuko ang pulis na si PO3 Eleazar Faustino, nasa kustodiya na ng Taffic Sector 3.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9 a.m., nagwawalis ang dalawang biktima sa lugar nang sagasaan sila nang rumaragasang puting Nissan Urvan (AQA 7396) na minamaneho ni Tabilin.

Ayon kay Carreon, si Bakain ang nagkaroon nang malalang pinsala makaraan tumilapon dahil sa lakas ng pagkakabundol habang siya ay nahagip lamang kaya nagkaroon ng minor injuries.

Ayon kay PO2 Jordan Junio ng Traffic Sector 3, nangako si PO3 Faustino na sasagutin ang lahat ng gastusin sa ospital.

Samantala, ayon sa pamunuan ng MMDA, kanilang kakasuhan ang pulis.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …