Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni Gonzaga, umaming buntis na!

00 Alam mo na NonieLAST February pa napabalitang buntis ang ABS CBN star na si Toni Gonzaga. Ngunit umiwas siyang kompirmahin o pag-usapan man lang ang bagay na ito.

Ayon kay Toni, late 2016 or early 2017 pa nila balak magka-anak ni Direk Paul Soriano para sa mga commitments ng singer/actress.

Pero kahapon, matapos ang kanyang song number sa ASAP, inamin na rin finally ni Toni na magkaka-baby na sila very soon ng mister niyang si Direk Paul.

“Mga kapamilya, espesyal po sa puso ko ang ASAP kasi 2004 noong una po akong ni-launch bilang Kapamilya. Dito ko po iyon ginawa sa ASAP. Noong first birthday ko rito sa ABS-CBN, dito ko rin sinelebrate sa ASAP. First album ko, first movie at first time na sinelebrate iyong engagement ko, rito ko rin po ginawa. And then noong ikakasal ako, dito ko rin in-announce.

”I’m so happy that finally our love story ay nagbunga na and yes, God finally opened my womb and I’m expecting my first child,” pahayag ni Toni.

Ayon pa kay Toni, ang kanyang kapatid na si Alex ang unang naka-alam na malapit na siyang maging nanay.

”The first time I found out about this great news, si Alex iyong unang nakaalam. Siya iyong unang nakaalam sa lahat.”

Hinggil naman sa mga commitment niya sa showbiz, ipinahayag ni Toni na gagawin niya ang mga ito. Pero maghihinay-hinay din daw siya.

”Gagawin pa din natin iyong mga commitment natin, pero eventually medyo we will take it slow this time. Pero, I just wanna really enjoy the moment and it took me some time, kasi I was waiting for my doctor’s approval, na it’s a go, that I can finally say ‘I’m pregnant!’”

Ikinasal sina Toni at Direk Paul noong June 12, 2015 pagkatapos ng walong taong pagiging magkasintahan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …