Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 drug pusher utas sa shootout sa Bulacan

PATAY ang tatlong hinihinalang drug pusher makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang sila ay inaaresto sa Sitio Tabing Ilog, Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Bulacan PNP Director, Senior .Supt. Romeo M. Caramat Jr., ang isa sa tatlong napatay na si Mark Gonzales, alyas Makol, residente sa nabanggit na lugar, may nakabinbing kaso ng illegal possession of firearms and ammunition sa Gapan City, Nueva Ecija.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 10 p.m. nang mangyari ang insidente nang isilbi ng mga pulis ang arrest order laban sa mga suspek.

Ngunit imbes na sumuko ay lumaban ang mga suspek at nakipagbarilan sa mga pulis na humantong sa kanilang kamatayan.

Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may lamang dalawang bala, isang  improvised shotgun na may lamang basyo ng bala, mga basyo ng 9MM, siyam piraso ng maliit na plastic sachet ng shabu, tatlong disposable lighter at isang improvised tooter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Daisy Medina

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …