Friday , November 15 2024

Mga krimen sa Bgy. San Isidro Antipolo

HOLDAPAN, prostitusyon, mga kababaihang naglipana sa kalye na nagbebenta ng pandaliang aliw, akyat-bahay, lahat ‘yan ay hindi naaksiyonan ng pulisya diyan sa Antipolo. Bulag at bingi ang mga awtoridad.

***

Dapat siguro ay sipain na ang hepe ng pulisya sa Antipolo, dahil walang silbi! Iniaasa na lamang ang lahat sa mga tamad niyang tauhan!

Pagbabalik ni ER Ejercito

Mahigpit na kalaban para gobernador ng incumbent governor si Ex-Gov. ER Ejercito. Masungkit kayang muli ng dating governor ang posisyon? Malakas daw si ER, lalo sa mahihirap, pang-masa raw ang karisma.

Pero ayon sa ating impormasyon, wala na raw salapi para gamitin sa kanyang pangangampanya, na kinakailangang tulong ng mahihirap!

Mahirap manalo ‘pag wala kang pera!

Uso ngayon ang “single vote”

Sa hanay ng mga tatakbong Konsehal, nauuso ngayon ang tinatawag na “single vote.” Ibig sabihin, ang bawat supporters ng mga konsehal ay tinuturuan na pangalan lang niya ang isusulat sa balota. Ang resulta nito, panalo ang konsehal o ‘di kaya ay maging topnotcher o No.1 sa listahan ng mga mananalong konsehal.

Ganyan talaga sa politika, kunwari lang na kinakampanya ang mga kasamang konsehal sa partido, kapag sama-samang nangangampanya, ang hindi alam ng mga kasama, usapan na sa supporters ang kanilang gagawing single vote!

Marumi talaga ang politika!

Maliit na bayan sa Cavite may 4 mayoral candidates

Apat na kandidato para Alkalde ang kandidato sa bayan ng Amadeo, Cavite, siyempre kabilang ang incumbent candidate na si Mayor Benjader Villanueva.

Isang kandidato ang ating nakapanayam. Sabi niya, okey lang kung sino ang manalo, huwag lang ang incumbent na si Mayor Villanueva!

Sa aking pananaw, gusto talaga ng tatlong kalaban ni Villanueva na matalo siya! Pare-parehong humawak na ng posisyon ang mga kalaban ni Villanueva at minsan nang nahalal, nangangahulugan na may kanya-kanya silang tao.

Mukhang delikado nga si Villanueva!

Ewan ko ba sa partidong UNA, incumbent nga ang nakuha nila (Villanueva), isinusuka naman ng mga residente ng Amadeo Cavite.

Bakit kaya ayaw nila kay Villanueva? Hindi kaya malakas ang ‘PUTOK?’

He he he!

Cavite City dapat ilagay sa ‘HOT SPOT’

Hindi nga mga lider ng politika, kundi mga inosenteng residente ng Cavite City ang sunod-sunod na pinapatay sa Cavite City.

Nakaaalarma ito, dahil nangangamba ang mga residente, lalo pa ngayong nalalapit na ang araw ng halalan.

Sa isang linggo, walang hindi naireport sa pulisya na may pinatay o natagpuang patay! Pinalilitaw ng pulisya ng siyudad ng Cavite na may kinalaman sa ilegal na droga ang krimeng nagaganap.

Sa ating pagtatanong, ilan sa biktima ay supporters ng mahigpit na kalaban ni Mayor Totie Paredes, isang may apelyidong ‘Consigo.’ Dahil nakikita raw ni Meyor na tagilid siya, unti-unting nililipol ang may kaugnayan sa kandidatong si Consigo!

Take note, ha! Sa dami ng pinatay sapol pa noong buwan ng Nobyembre, puro unresolved cases! Ano na ang mga pulis diyan?!

Totoo pa mayroong NEWS BLACKOUT diyan?!

(KUNG may sumbong at reklamo mag-email lang sa [email protected])

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *