Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasahe sa traysikel sobra taas

SUMBONG ng mga residente sa SunValley lungsod ng Parañaque ang mataas na singil ng pasahe sa traysikel, kompara sa ibang lugar. Dapat aksiyonan ito ng Trycicle Regulatory Board ng lungsod dahil nahihirapan ang mga residenteng pasahero sa mahal ng pasahe!

Hindi lang sa lungsod ng Parañaque, lalo na sa lungsod ng Pasay, pinakamarami na yatang terminal at miyembro ng TODA ang lungsod ng Pasay, sobrang mahal ang pasahe, karamihan pa sa dyaber ay puro kolorum!

Durugan ng kandidato sa Social Media

Isa ang Social Media, na nakatatawag ng pansin partkular sa Facebook, kung minsan ginagawa pang katawa-tawa ang mga retrato ng kandidato, gaya nina si Binay, Bongbong at Duterte, kung banatan, sobra-sobra, minsan nakaiinis magbukas at magbasa ng FB dahil araw-araw ay makikita ang mga retrato na puro pag-aakusa, pagalingan.

Sino pa ba ang nasa likod nito, siyempre ‘yung wala sa mga pangalang binanggit ko!

***

Kapag Binay at Bongbong Marcos ang pag-uusapan, malakas ang hatak sa lalawigan ng Cavite. Sa aking palagay malakas ang laban ng dalawa. Matunog at malakas din ang hatak ng pangalan ni Duterte sa ibang lugar, ngunit isa lang ang nagustuhan at inaasahan nila kay Duterte sakaling manalong presidente, ang lipulin ang masasamang elemento!

Kaya naman kaya?

***

Sa lungsod ng Pasay, matunog pa rin ang mga Calixto, ngunit masigasig ang ex-congressman Dr. Lito Roxas na magapi niya si Mayor Tony Calixto. Kaya kahit tirik ang araw ay sinasagupa nito para paniwalain ang mga botante sa umano’y nagaganap sa administrasyong Calixto, pero tinatawanan lamang ni Mayor Calixto, na malaki ang tiwala na hindi siya iiwan ng kanyang mga tapat na supporters. Buong Calixto Team ang kinakampanya ng Patido Liberal sa Pasay. Iba-ibang partido at koalisyon naman sa grupo ni Dr. Roxas. Parang isipan ng mga botante, hindi madidiktahan na straight Calixto Team, ang kanilang iboboto!

Sigurado rambol yan!

Leni vs. Bongbong

Mahigpit ang labanan para  vice president ng dalawa, hindi pa ba tayo nagsasawa noong babae ang nanunungkulan? ‘Di ba kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, naririyan sa kanyang tabi si G. Mike Arroyo, noong si Pangulong Corazon Aquino, nariyan sa tabi niya si dating Pangulong Fidel Ramos at Cardinal sin. Kapag si Leni Robredo, sino ang lalaking nasa tabi niya? ‘E biyuda na si Leni, sabi nila si Chiz Escudero, patay kang bata ka!

Kung minsan sa adviser pumapalpak, ‘di ba?

Maraming ‘Minamahal’ si Meyor

HINDI ito tsismis, putok na putok sa isang bayan Cavite na ang kanilang Mayor na si BV ay mahilig matinding ‘magmahal.’

Kaya bukod daw kay misis, may iba pa siyang ‘minamahal.’

Tsismis pa ng aking bubuwit, minsan daw ay nagplano ang management ng Eat Bulaga, na sa nasabing bayan ng Cavite gawin ang “All for Juan,” P200,000 daw ang ibabayad ng GMA networks, pero ang gusto ni Mayor ay gawing P300,000, atras ang Eat Bulaga management.

Sabi umano ng TV host na si Joey de Leon marami palang buwaya diyan sa bayang ‘yan…

He he he…

Kung may sumbong o reklamo,mag-email lang sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …