Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Rapist’ itinumba ng kuya (Pamangkin ginahasa )

TADTAD ng saksak, basag ang bungo at nakagapos ang mga kamay nang matagpuan sa masukal na bahagi ng Macabud Road, Rodriguez, Rizal ang bangkay ng isang 34-anyos construction worker na sinasabing gumahasa ng isang babae.

Sa ulat ni Supt. Resty Damaso, officer in charge, kinilala ang biktimang si Wilfredo Blanco, nakatira sa Blk. 22, Lot 40, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Habang target ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na half brother ng biktima na si Rogelio Balderama, 54, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, dakong 7 a.m. nang matagpuan ng isang Guillermo Bautista, 61, ang bangkay ng biktima sa Sitio Udiongan, Brgy. Macabud.

Natagpuan din sa lugar ang isang Toyota Revo (XKX-657), hinihinalang sasakyan ng suspek.

Nauna rito, sinampahan ng kasong rape ang biktima ng asawa ng suspek na si Corazon dahil sa sinasabing paggahasa sa kanilang anak noong Marso 28. At mula noon ay hinahanting na ng suspek ang biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 7:30 a.m. kasama ang suspek at isang lalaki habang sakay sa Toyota Revo dalawang araw bago nakitang patay si Wilfredo sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …