Friday , November 15 2024

Ano ang katotohanan sa ‘laylayan’ ni Leni Robredo!?

MULA sa “Daang Matuwid,” heto ang bago, “Iaangat ang nasa laylayan.”

Napahagalpak nga ng tawa ‘yung kahuntahan natin kasi, kapag iniangat ang laylayan, hubo na raw ang tawag diyan!

Hehehe…

Kidding aside, kung susundan natin ang analogy ni Madame Leni Robredo, saan naman niya ilalagay ang mga iaangat niya mula sa laylayan?

Iaangat ba niya, kapantay niya? O iaangat para itapon kung saan?

Wala tayong makitang konkretong larawan ng sinasabi niyang pag-aangat sa mga nasa laylayan kung pag-uusapan ang kanyang panunungkulan.

Ang hindi natin malilimutan, ang kanyang pakikipag-alyado sa isang gobernador na asawa ng pinaghihinalaan at kinikilalang malaking jueteng lord sa Central Luzon.

Hindi ba’t ang kanyang asawa, ang namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo ang nagluklok kay Amang Ed Panlilio para ‘padapain’ ang sinasabing mga galamay ng Jueteng?!

Pero isang termino lang si Among Ed, at hindi na nasundan pa, at mukhang may hinaharap pang kaso.

At ngayon ay nakikipag-alyado at nakikipag-beso-beso pa si Madame Leni kay Gob. Lilia Pineda!?

Paano matatahimik ang kaluluwa ni Jesse (pasintabi po), kung saan man siya naroroon ngayon, gayong kasama ang misis niya sa mga lumalapastangan sa kanyang nasimulan?

Kung papasok sa serbisyo sa gobyerno si Madame Leni, hindi ba’t dapat na sundan niya ang ‘yapak’ ng kanyang mister?!

Na kung tutuusin ay kinapos rin sa ‘pakikibaka’ laban sa jueteng hanggang disgrasyang mag-dive sa dagat ang sumasalipawpaw na eroplanong kanyang sinasakyan?!

Ngayon, hindi lang ang katawang lupa ni Jesse ang naglaho, dahil tuluyang ibinaon ni Leni ang kanyang mga simulain para sa isang malinis na gobyerno sa pakikipag-alyado sa gambling lord.

Alam nating maraming nabubuhay na maliliit na kababayan natin sa jueteng, pero alam na alam rin natin na mas malaking buwis ang ninanakaw nila sa paggamit ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang front.  

At ‘yang mga nagnanakaw ng buwis para sa PCSO na tumutulong sa sinasabi ni Madame Leni na nasa ‘laylayan’ ang siya ngayong mga kaalyado niya at malamang sumusuporta sa paraang pinansiyal sa kanyang kandidatura.  

Ngayon, sige nga, iaangat ba ni Madame Leni ang mga nasa ‘laylayan’ sa kanyang pakikipag-alyado sa gambling lord/s ba?!

May katuwiran nga naman ang ating kahuntahan, kapag iniangat ang laylayan, hubo ang ating masisilayan.

Tsk tsk tsk…

Seguristang tunay ang pamamangka sa dalawang ilog ni Ali Atienza  

HINDI natin masisisi si Ali Atienza kung bakit namamangka siya sa dalawang ilog ngayong tumatakbo siyang vice mayor ng Maynila.

Nakatikim na kasi ng talo si Ali noong tumakbo siyang mayor.

Kaya kung hindi pa siya makapapasok ngayong eleksiyon na ito, tiyak na panibagong kabiguan na naman ‘yan.

‘E bukod sa pagiging Taekwando master ‘e wala tayong alam na ibang karera si Ali. Kaya kapag natalo pa siya ngayon, anong karera ang kanyang magiging alternatibo?!

Anyway, medyo disappointed sa kanya ‘yung mga nakapaligid kay Mayor Alfredo Lim na nakarinig nang pag-uusap nila.

Pero ‘yun na nga, ano ba ang magagawa natin kung gustong magsiguro ni Ali?!

Taktika niya ang pamamangka sa dalawang ilog para masiguro ang kanyang panalo.

Ang dinig din natin ‘e medyo sumisingasing si hatsing ‘este’ si tado, ehek, Amado Bagatsing dahil ang nanguna sa survey ay sina Mayor Fred Lim at Ali.

Nag-aalboroto raw si hatsing ‘este’ Bagatsing kung bakit hindi siya ang nanguna sa survey ng UNA.

Tsk tsk tsk…

Unsolicited advice lang natin kay Ali, magpakasiguro na siya nang husto, mahirap na baka may maglaglag pa sa kanya.

‘Yun lang!           

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *