Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shy, ‘di kapani-paniwalang gumanap na maid

KUNG nasusubaybayan n’yo ang Tasya Fantasya (sa bago nitong oras na 8:00 p.m.  tuwing Sabado), tiyak na magsasalimbayan ang inyong nag-iisang obserbasyon: ang ganda-ganda pala ni Shy Carlos!

Yes, ang maid na si Tasya na tila isinumpa ang mga ngipin is now a beautiful lady, na inayos ng dentista ang nakausling bakod sa kanyang bibig. ‘Yun nga lang, hindi masasabing total makeover ang nangyari kay Tasya dahil taglay pa rin niya ang kanyang eye glasses, pony-tailed hair at uniporme ng chimi-aa!

But when she joined a summer fashion show na inirampa niya ang tinahing kasuotan, ang lahat ng tatak-Tasya ay isinantabi muna niya—and voila—isa na siyang pagkaganda-gandang binibini!

Sa ilang anggulo ni Shy, mapapansin ang kanyang Spanish mestiza features. Parang wood carving sa pagkaka-define ang kanyang facial features kabilang ang kanyang well-chiseled nose.

To us, she doesn’t look like 100% Filipina pero may advantage ‘yon once matapos niya ang kanyang kursong Consular at Diplomatic Affairs sa College of St. Benilde.  Puwede kasi sa embahada ng Spain or any Spanish-speaking country.

Samantala, sa kuwento ay matindi ang paninibugho ng feelingerang nobya ni Noel (Mark Neumann) kay Tasya.

Kung sabagay, nang may eksenang nasa iisang frame si Shy at ang kontrabidang aktres na ‘yon (sorry, we forgot her name) ay masasabi mong ang huli pala ang mas kapani-paniwalang gumanap bilang maid of cotton.

Maid of cotton daw, o!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …