Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine, mas komportableng kumanta sa maliliit na venue

00 SHOWBIZ ms mMAGIGING abala na naman si Regine Velasquez sa PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour. Ito ay ang free concert sa mga mall na isinasagawa niya kasama ang PLDT. Nagsimula ang tour na ito last year sa Metro Manila at ngayon ay dadalhin na sa ilang mall sa probinsiya.

Ani Regine, masaya siya na makakarating na ang kanyang tour sa mga probinsiya.”Last year I had five mall shows. This year, they decided na gawin nang nationwide kasi naging successful ‘yung unang mall shows,” sambit ni Regine sa interbyu sa kanya sa unang kick-off ng Regine Series sa SM Bacoor.

Marami ang nakapansing bigay na bigay ang Asia’s Songbird sa pagkanta kaya naman pala ay dahil na-miss daw niya talaga ang pagkanta.

Sinabi pa ni Regine sa interbyu sa kanya ng PEP.PH na mas komportable siyang kumanta sa maliliit na venue at ‘yung mas malapit sa kanya ang tao kaysa malakihang venue.

Bukod sa free concert sa PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour, nadagdagan pa ng sing-alike contest ang nationwide tour para sa mga Songbird wannabes at talagang umiidolo kay Regine.

Aminado si Regine na natuwa siya sa bagong pakulong ito ng PLDT dahil lalo siyang nakai-inspired ng marami na mahihilig kumanta.

Ang susunod na leg ng nationwide tour ay magaganap sa July at gagawin sa Cebu at Pampanga, susunod sa Davao, at sa SM Megamall sa August. Bukod sa free concert, ipino-promote rin ni Regine sa nationwide tour na ito ang The Regine Telset Series ng PLDT na kinabibilangan ng limited edition landline phones sa halagang P99 per month na dagdag sa existing subscription.

Samantala, ang utak sa likod ng kampanyang ito ay mula kay PLDT VP and Home Marketing Head Gary Dujali. Aniya, ”the success was unprecedented that’s why we are bringing it back. I remember how fast our stocks ran out within days after the launch. It is truly an honor for us to have Ms. Regine Velasquez and help spread the great news appropriately named after her—the Regine Series that offers new landline Telsets plus the best NDD and IDD call packages.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …