Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rape sa taxi binubusisi ng LTFRB

INIIMBESTIGAHAN na ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hinggil sa halinhinang panggagahasa ng isang taxi driver at isa pang lalaki sa isang babaeng pasahero nitong Lunes sa Antipolo City.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, nakikipag-ugnayan na sa kanya ang may-ari ng taxi unit na Legacy Transport Corp (AAP 7886).

Sa inisyal na ulat, sumakay ang biktima sa taxi sa Quezon City at nagpapahatid sa Mandaluyong ngunit dinala ng driver ang sasakyan sa Antipolo City.

Habang papuntang Antipolo, itinabi ng driver ang taxi at mabilis na bumaba mula sa compartment ang kasabwat niyang suspek saka sumakay sa taxi.

Pagdating sa Antipolo, ipinaikot-ikot ng driver ang sasakyan habang ginagahasa ng isa ang biktimang 25-anyos. Pagkaraan ay hinalay rin ng driver ang babae.

Nakuha ng biktima ang plate number ng taxi nang ibaba siya sa nasabi ring lungsod.

Samantala, inaalam pa ng LTFRB ang sinasabi ng may-ari ng unit na bago ang nangyari panghahalay ay kinarnap ng mga suspek ang taxi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …