Mayor Villanueva ng Amadeo Cavite isinusuka ng mga botante
Amor Virata
April 13, 2016
Opinion
DAHIL umano sa kawalan ng responsibilidad sa bayan ng Amadeo, Cavite bilang punong-bayan, unti-unting nalulugmok ang bayan ng Amadeo, na kilala sa tanim na Kape.
Ito ang sigaw ng mga residente na dumalo sa isinagawang Forum na “Know your Candidates” na inorganisa ng PPCRV at ng Comelec sa nasabing bayan.
***
Hindi dumating at inisnab ni Mayor Benjader Villanueva na nasa partidong UNA ang nasabing forum. Bulong ng mga kalaban sa politika, natakot si Mayor sa mga ibabatong katanungan sa kanya. Tatlong kandidato para alkalde ang ang dumating, sina ex-mayor Tic Ambagan (LP), vice mayor Elpidio Bawalan (NP), at dating Konsehal August Bayas (NPC).
Napuna ko na iisa ang hangad ng tatlong kalaban ni Mayor Villanueva, ang magkaroon ng malaking pagbabago sa bayan ng Amadeo. Katuwiran nila, unti-unti nang lumulubog ang bayan ng Amadeo, dahil personal na interes lamang umano ang layunin nito.
***
Ito raw si Mayor ay nagpatayo ng sabungan, sa lupang pag-aari, ngunit pribadong tao ang maintainer nito, totoo ba ito Mayor Villanueva?
Ayon pa sa mga bumubuong konsehal ng iyong bayan, wala raw approval ng Sanggunian ang sabungan na parang kabute na biglang sumulpot!
Pati na ang sinasabing Paseo de Amadeo, how true? ‘Yang sabungan na ‘yan, dapat kumikita sa amusement tax Mayor Villanueva, asan na ang kita?
***
Kilala ang bayan ng Amadeo sa lalawigan ng Cavite sa tanim na Kape, mga prutas na gaya ng pinya at iba pa, ngunit maraming magsasaka na may taniman ng kape ang ibinenta na ang kanilang lupain! Walang alternatibong source of livelihood ang administrasyon ni Mayor Villanueva.
Malaki ang pagbabago kay Mayor hindi sa bayan ng Amadeo, dati ay isang owner type jeep lamang ang sasakyan niya, ngayon ay puro modelong sasakyan na! and take note ha, apat rin ang asawa niya?!
Grabe ‘di po ba!
***
Maituturing umano na isang pacman si Mayor, ibig sabihin ‘matakaw.’ Kung apat ang kanyang asawa, saan niya kinukuha ang pambuhay sa kanila? Kayo na ang humusga mga ‘igan!
Heto pa ang kuwestiyonable mga ‘igan, lahat pala ng proyekto diyan sa Amadeo lalo na kapag impraestruktura, walang ratipikasyon mula sa konseho. Ibang klase si Mayor!
Aba, dapat diyan kay Mayor ay sampahan ng kaso sa Ombudsman at desisyonan ng Sandigangbayan…
Sino kaya ang matapang?
(Kung kayo ay may reklamo, magsumbong lang sa Kaking email-ad, [email protected])