AYAW naming pangunahan—much less husgahan—ang another hosting job ni Mrs. Dantes (nagpapaka-consistent lang kami with addressing Dingdong’s wife sa ganitong katawagan minus her screen name) on GMA soon.
For sure, hindi naman ipagkakatiwala sa kanya ng estasyon ang mag-host ng show if it thought Mrs. Dantes didn’t have the talent for it.
Pero anong uri ng show? On parenting? Teka, mukhang hilaw pa ang one-time mom na ito para magbahagi ng kanyang limitadong kaalaman sa paksang ito.
On showbiz life in general? Still, kulang ang mga karanasan ni Mrs. Dantes to become a credible authority sa larangang ito.
At teka lang din, alam natin ang kahinaaan o kakapusan niya in terms of communication. Baka kung isasalang bilang guest niya ang isang berdaderong Inglisero o Inglisera ay baka magkaroon lang ng mahabang dead air, sayang ang air time!
Surely, aware naman si Mrs. Dantes na ganda ng mukha lang ang kanyang bentahe, and realizing this strength, marapat lang na mag-aral siya, magbasa-basa, matutong makipag-usap sa Ingles para hindi naman siya magmukhang katawa-tawa!
Tulad ng kanyang pamosong linya noon na, “Psychology ako!”
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III