Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, Melai, at Karla, tampok sa Magandang Buhay

SINA Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang mga host ng bagong morning show sa ABS CBN na pinamagatang Magandang Buhay. Ito bale ang papalit sa timeslot ng dating talk show na Kris TV ni Kris Aquino.

Matatandaang magkakasama noon bilang celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar Season 1 sina Melai, Jolina, at Karla.

Nagpahayag si Melai nang sobrang kasiyahan sa bagong blessings na ito para sa kanya at sa family niya.

“Sobrang saya, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos for another blessing sa pamilya namin ni Jason. Malaking tulong ito para sa anak ko. Siyempre, for her future,” saad ng komedyana.

Ayon pa kay Melai, walang kaso kung mapagod man siya sa dalawa niyang daily shows, dahil ang mahalaga raw ay ang future ng kanyang anak.

Magkahalong kaba raw ang naramdaman niya nang kinuha siyang host ng talk show sa Magandang Buhay. Ngunit dahil sina Jolens at Karla ang kasama niya, kahit paano raw ay nawala na rin ang kanyang kaba.

Sinabi pa ni Melai na sa palagay daw niya, kaya sila kinuha ng Dos ay dahil sa naging maganda ang samahan nila sa Your Face Sounds Familiar, na nauwi talaga sa pagiging magkakaibigan nila.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …