AMINADO si Liberal Party senatorial candidate Leila de Lima na kinabahan siya sa pagharap sa entertainment press kahapon na ginawa sa Annabel’s Restaurant.
“Pero walang hesitation ang pagharap ko (entertainment press) kasi iba naman ito kahit alam kong no holds barred sa mga personal life,” panimula ni De Lima na na aminadong may kaunting kaba sa isinagawang presscon para sa ilang entertainment press. ”Pero depende naman sa mga tanong ang puwede kong sagutin, kahit may kaunting kaba, I really welcome this, no hesitation sa pagharap ko sa entertainment press.”
Sa open forum ay nabanggit ni De Lima na isa sa favorite niya ang aktor na siRobin Padilla. Kaya natanong ang dating DOJ secretary kung ano ang masasabi niya sa ginawang pagtulong ni Binoe (tawag kay Robin) sa Kidapawan farmers.
“Kaya ko gusto as an actor si Robin, kaya crush ko siya ay dahil very strong ang appeal niya. Ma-appeal na ma-appeal. Gusto ko rin ang paninindigan niya sa buhay, lalo na kung for the causes. ‘Yung plight for the Muslim brothers and sisters, passionate siya roon. Hinahangaan ko ‘yung ginagawa niyang pakikipaglaban at pagtulong sa mga…kasi he is also a Muslim, saludo ako sa kanya pagdating sa ganyan. Kaya isa ‘yun sa rason kung bakit gusto ko siya as an actor and as a human being.”
Sinabi pa ni De Lima na si Richard Gomez ang napipisil niyang maging leading man ni Dawn kapag ginawa ang kanyang talambuhay, pero, ”Ayokong mag-focus sa lovelife ko, gusto ko sa nagawa ko, ‘yung paglaki ko, nagawa ko, paano ako pinalaki ng parents ko at paano ako nagtrabaho sa mga ibinigay na trabaho para sa akin.
“Sa personal na buhay hindi maiiwasan ang lovelife, pero masalimuot ang buhay ko eh. I said I’m an emotional woman. I love too much, ‘pag na-inlove ako grabe, me against the world, ganoon ang attitude ko, wala akong pakialam sa mundo. I try to give all to the person I love, to the man I love, pero ‘pag nasasaktan grabe naman.
“I’m successful in my career, public life, na given this opportunity to serve in various capacities, pero pagdating sa personal life hindi eh, and sabi nila marunong magbalanse ang Diyos, you do not have everything. You cannot get everything,” sambit pa ni De Lima na ang legislative plan para sa media at entertainment industry ay ma-decriminalized ang libel at ipatupad ang maximum number na 14 hours na pagtatrabaho.
“Libel has to be decriminalized. There are enough measures to self-regulate the media as it is. We are just one of two countries in the world that still penalizes libel as a criminal offene. This has to be corrected,” giit pa ni De Lima.
“Let us also look into the working hours in the industry. Recently the Department of Labor and Employment recommended eight hours, with 14 hours as the maximum number of hours for taping. I support that move. In fact, we should be looking into possible amendments in the Labor Code to accommodate safeguards for workers who do field work, such as tapings,” dagdag pa ni De Lima.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio