Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela Padilla, pinatay na sa Ang Probinsyano

00 Alam mo na NonieMARAMI ang nanghinayang sa pagkamatay ng karakter ni Bela Padilla sa Ang Probinsyano. Pero, isa kami sa naniniwalang dapat lang na mawala na ang karakter doon ni Bela dahil ilang beses na siyang nakidnap o nanganib ang buhay, pati na ng anak niya sa naturang TV series ng Dos, at sa tuwina ay naililigtas siya ni Cardo (Coco Martin).

Kaya kung ganoon pa rin ang mangyayari, ang mailigtas siya ulit ni Coco, parang lalabas naman na animo Superman na si Coco at paulit-ulit na lang ang twist na ganito sa serye nila. Isa pa, kung hindi si Bela ang mawawala, sina Albert Martinez at Arjo Atayde, ang mag-amang kontrabida sa naturang serye, ang papatayin nila ang karakter. Na definitely ay malaking pagbabago ang mangyayari sa serye.

Nang nalaman kasi ni Bela o Carmen na si Albert pala ang lider ng sindikato at si Arjo ang pumatay sa asawa niyang si Ador na kakambal ni Cardo, natural na kailangang magpa-alam na ng karakter ni Bela sa Ang Probinsyano.

Anyway, nabalitaan naming iniyakan pala ni Bela ang pagkamatay niya sa naturang serye.

“I knew from the start na my character was gonna die,” saad niya.

Sakto rin na nagkasakit si Bela sa pamamaalam niya sa kanilang serye. Nagkaroon daw ito ng Acute Anterior Uveitis na kailangang gamutin for three weeks.

“Ang cause of this was lack of sleep, ‘tsaka I guess yung strain. Kasi halos lahat ng eksena ko ay iyakan, pulos mabibigat na eksena,” esplika pa ni Bela.

Sa aming interview naman kay Bela noon, pinuri niya si Coco sa galing nito.

“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya, ang sarap niyang panoorin. Minsan sa eksena ang nagyayari, napapanood ko na lang siya. So ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready. You should be always alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan.

“Oo, napapatulala ako sa galing ni Coco and nakakatuwa, kasi yung galing niya ay hindi niya sinasarili. Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin. Para siguro, makasabay o makapantay ka.”

Sa ngayon, sinabi rin ni Bela na wala pa sa isip niya ang magpakasal sa BF niyang si Neil Arce.

“Not anytime soon,” wika ng aktres sa Tonight with Boy Abunda kamakailan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …