BONGGACIOUS ang latest TVC ng PAL dahil dalawang beauty queen ang tampok dito, una si Muriel Orais (na nagsasabi ng”Mabuhay”). Si Muriel ang kauna-unahang female winner ng Olive C Campus Model Search. A year after ay sumali siya sa Miss Earth at nagwagi bilang Miss Earth Air.
Ikalawa namang makikita ang Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach, habang ipinakikita ang kagandahan ng Batanes, Rizal Monument, kalesa, Magellan Cross sa Cebu, Chocolate Hills sa Bohol, Banaue Rice Terraces, Loboc River sa Bohol, at iba pa.
Maganda rin ang voice over ng commercial. Familiar sa akin ang boses at ito rin ang boses na naririnig natin sa tuwing sumasakay ng ibang airlines.
Kung hindi ako nagkakamali, boses ito ni Joyce Ann Burton, ang nagwaging Bb. Pilipinas 1985.
Samantala, happy si Jim Acosta, may-ari ng Olive C Soap satagumpay ng kauna-unahang Olive C female winner na si Orais from Cebu. College Nursing student pa lang si Muriel sa Velez Colleges nang sumali sa Olive C.
MAKATAS – Timmy Basil