TINITIYAK naming hindi mahina ang aming pandinig o mayroon kaming cochlear problem, pero sa isang umpukan ng mga showbiz writer—na ang topic ay si Maine Mendoza—may nagbunyag na umano, gusto raw ni Maine na siya—and not her parents—ang tagapamahala ng lahat ng kanyang mga kinikita.
Ang tsismis, gusto raw makabili ni Maine ng bahay. At ito ang kanyang pinag-iipunan.
Kaso, dahil ayaw niyang masilat ang kanyang diskarte kung kaya’t gusto niyang hawakan mismo ang kanyang kinikita.
Kung sabagay, Maine is of age. Hindi na naman siya minor who needs to be guided ng kanyang elders how to manage her finances, otherwise she’ll be another Sarah Geronimo!
Pero iba ang gustong matuto ng wastong financial management sa gustong iburo ang pera all to her own. ‘Yung huli kasi ay may bahid ng pagmamaramot, unless maramot nga si Maine, well, isaksak niya sa baga niya ang bawat sentimong kinikita niya!
Ilan lang ito sa mga bahong unti-unting umaalingasaw ngayon tungkol kay Maine gaya ng nakulob na labada sa palanggana na hindi naarawan.
Wala bang damage control na pantapat dito ang mga tagapamahala ng karera ni Maine?
Sa tingin namin, bago pa man tuluyang “matusta” si Maine (nataong may El Nino pa, ha?), she has to act now and act fast!
Anong silbi ng kasikatan kung daig nito ang mabahong publisidad na nagbabantang pumatay sa kanyang career?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III