Friday , November 15 2024

6-anyos bata ini-hostage ng holdaper

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage ng isang bata makaraan mangholdap sa Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Linggo.

Sumiklab ang tensiyon sa eskinita ng NIA Road pasado 10 p.m. ng gabi nang sumampa sa bubungan ng isang pamilya ang suspek.

Armado ng patalim, ini-hostage ng lalaki ang 6-anyos bata.

Sinubukan pa ng barangay at pulisya na kausapin ang hostage taker ngunit kalauna’y napilitan silang magsagawa ng forced entry nang hindi na marinig ang boses ng bata.

Bago maghatinggabi, inilabas sa bahay ang musmos kasunod ng kanyang ina.

Tumagal pa ng ilang minuto bago nailabas ang nanlalabang suspek na si Arnulfo Recto.

“Matangkad [siya] na tao, malaking katawan kaya nahirapan kaming posasan siya. Lagpas 10 na kami roon e,” pahayag ni PO2 Juvencio Battung ng Quezon City police Station 10.

Sa East Avenue Hospital, sinipa ni Recto ang isang nurse na umaalalay sa paggamot sa kanya.

Ligtas ang bata na nagpapagaling sa nasabing ospital habang nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *