Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Geronimo, iniintrigang buntis!

00 Alam mo na NonieMATAPOS matsismis si Sarah Geronimo na nakikipaglive-in na siya sa kasintahang si Matteo Guidicelli, ang bago ay buntis naman daw ngayon ang Pop Star Princess at malapit nang ikasal.

Ngunit pinabulaanan ito ni Sarah sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda recently.

“Maraming naglabasan… nagli-live in na raw kami, buntis daw ako, at engaged na kami. Wala, wala po. Sana mauna muna iyong engagement bago ako mabuntis,” pahayag ni Sarah.

Sa panig naman ng kasintahang si Matteo, sinabi niyang abala sila pareho ni Sarah sa kanilang career kaya hindi muna raw nila ito iniisip.

“May engaged siya, may buntis siya… hindi naman, wala naman. We’re both busy with both our jobs. She’s very busy, I’m also very busy right now. Everything is doing well, and we’re very thankful,” saad naman ni Matteo na idinagdag pang naniniwala siyang si Sarah na talaga ang babaeng para sa kanya.

Bukod sa tsika na nakipag-toast si Sarah ngunit tubig ang laman ng baso, maaaring ang isa pang rason ng espekulasyon na buntis si Sarah ay dahil mas open na itong pag-usapan ngayon ang relasyon kay Matteo.

“Sobra akong thankful sa side ni Matteo na very welcoming, very warm sa akin. Iyon naman po ang klase ng pamilya na mayroon sila, very open minded.

“Dahil kami ang magkarelasyon although nagkaroon na ako ng relationship in the past, siya ang una at talagang legit na nahahawakan ko, nayayakap ko, and I’m hoping na sana siya ang huli, hindi ba? Siyempre nagdadasal pa rin tayo kung ano ang will ng Diyos, iyon pa rin.”

Aminado naman si Sarah na sa gulang na 27, puwede na siyang lumagay daw sa tahimik.

“Ako sa age ko, marrying age na ako at mas matanda ako sa kanya pero iyong knowledge at experience ko sa pagmamahal, zero pa e. Hindi naman zero pero parang elementary pa lang iyon. Kaming dalawa bigayan, intindihan, may mga hindi pagkaka intindihan minsan, pero natututo kami.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …