IPINAHAYAG ni Direk Cathy-Garcia Molina na ayaw niyang makaramdam ng pressure ang mga artista niya sa pelikulang Just the 3 of Us na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.
“Kami ni Lloydie ayaw namin ng ganon eh, ayaw naming gumawa ng pelikula na there is a pressure on your head na kailangan i-topple mo ang past film mo. Kasi, unang-una you cannot please everybody. Pangalawa kanya-kanyang sensibilidad eh, di ba?
“Parang dalawang kare-kare lang iyon, magkaiba ang flavor so hindi pwedeng blockbuster pareho. Iyong isa mas gusto ng iba di ba? Ganon lang siya, so kami ayaw talaga namin sumalang sa isang project knowing na kailangan tapatan natin ito kasi ‘yung nararamdaman, unfair for everybody especially for Jennylyn.
“Ang aming responsibilidad ay gawing maganda ang pelikulang ito whether it’s going to be better or any lesser.”
Sinabi rin ni Direk Cathy na magaling at mabait katrabaho si Jennylyn.
“Kasi iyong friendship namin ni Lloydie goes way back, siya dumating bago eh, so alam ko naiilang. So, sana naging okay kami sa paningin ni Jennylyn kung paano namin siya winelcome at gawing parte ng pelikulang ito pero bilang artista wala akong masasabi sa kanya.
“Ganoon naman on most katrabaho ko sa ABS naman kasi mababait ang mga artista at magagaling and Jennylyn is one of them.”
Ayon pa sa box office direktor, walang kaso kung iba ng TV network si Jen.
“May extra effort naman ang staff at kami ni Lloydie (John Lloyd Cruz) para mag-reach out to her to make her feel na she is welcome here. Dito naman sa atin walang Kapamilya, walang ano, di ba artista ka namin pareho-pareho lang tayo.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio