Sunday , December 22 2024

‘Terror Attempt’ ba ang narekober sa Baclaran?

DALAWANG improvise explosive devices na posibleng “intentionally magnified” ang narekober kamakailan sa Baclaran na hinihinalang ‘terror attempt’ sa nasabing luggage. Dahil dito ay nagkaroon ng pangamba ang napakaraming vendors na naglipana sa nasabing lugar, kompleto sa baterya, detonating cords, tatlong pako at switch. Ang explosion ay ‘di kalayuan sa Police Community Precint, sa isang Supermarket.

Pagkatapos ng pagsabog, nakarekober ang mga awtoridad ng IEDs malapit sa isang creek sa Roxas Blvd., at Peña St. Ilang oras matapos ng pagsabog noong Marso 31, ganap na alas 8:00 ng gabi, ngunit sinasabing isa itong uri ng explosive device na may ‘ingenuity’ dahil kompleto ang mekanismo na nakakabit dito.

***

Kung anuman ang layunin, o terorista ang may gawa kailangan mag-ingat at maging masigasig ang pulisya ng lungsod ng Parañaque sa pagbabantay sa matataong lugar gaya ng Baclaran, dahil ganitong mga lugar ang gustong-gusto ng mga naghahasik ng terorismo. Hindi lamang pulisya, maging mga kagawad ng Barangay sa Baclaran, dapat maging mahigpit ang pagmamanman, dahil iba’t ibang uri ng tao ang dumarayo sa Baclaran. Maging matalas din dapat ang paningin ng mga vendor sa mga kahina-hinalang kilos, dahil sila ang pangunahing mabibiktima sakaling may mga pampasabog na muling makikita sa Baclaran. Alam naman natin na mas marami ang vendors na permanenteng nagtitinda kaysa mga taong saglit lang dumaraan, dahil nagsisimba sa Redemptorist Church.

‘Single Vote’ uso sa kandidato

 HINDI mawawala sa isipan ng mga kandidato partikular sa mga tumatakbong konsehal ng bayan na sabihan ang kanilang supporters na mag-single vote, para sa gayon ay tiyak ang kanilang pagkapanalo, ang maging No. 1 sa listahan ng mananalong konsehal.

***

Ito ang isang malaking problema ng mga konsehal na may partido at hindi naman independiyente, bukod sa   leaflets na ipinamimigay na kompleto ang mga pangalan ng  team ng partido, pero di naiiwasan ang umasta na parang ‘AHAS’ na sumisimple sa pangangampanya lalo na sa ‘house to house’ campaign na pangalan lamang nila ang ikinakampanya.

USO ‘yan mga ‘igan, ‘e bakit ko nga ba ikakampanya ang aking mga kasama e gastos ko ito at pagod ko.’

‘Yan ang madalas na katwiran ‘di po ba? Pag may pera ka, madali mag-No. 1 o topnotcher!

Droga sa Pasay nabawasan na

TILA kapansin-pansin ngayon ang paghina ng mga nahuhuling ilegal na droga sa lungsod ng Pasay.

Ito ay sa dahilang mahusay na pagpapairal ng kampanyang “OPLAN LAMBAT-SIBAT” na direktiba ni PNP chief, Director General Roberto Marquez, hindi lamang sa lungsod ng Pasay kundi maging sa lugar na bahagi ng southern Part ng Metro Manila.

Kung titingnan natin ang rekord ng pulisya, mas nangingibabaw ang pagkalat ng mga ilegal na droga sa mga lalawigan o probinsiya, dahil ang maraming nahuhuli ng Philippine Drug Enforcement Agency ay pawang mga nasa probinsiya, kaya ang siste, hirap nang iluwas sa Matro Manila dahil pursigido ang mga ahensiya ng PDEA sa mga lalawigan na lipulin ang masasamang elemento na may kaugnayan sa mga ilegal na droga.

Kung meron man sa Kamaynilaan, pawang mga dayuhan na kadalasan ay mga tsekwa ang drug Lord!

 (Kung may sumbong o reklamo,i-mail lang [email protected])

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *