MAPAPANOOD every week ang singer/actor na si Zyruz Imperial sa Saddle’s Bar na pag-aari ni Ms. Maggie Trinidad. Ito’y located sa Panay avenue sa likod ng Klownz Bar
“Ako iyong unang soloist dito, nagse-set din naman kasi ako sa The Crowd sa Mandaluyong. So ngayon, inaayos pa talaga iyong schedules dito sa Saddle’s Bar. Every Thursday ako, pero paiba-iba. Around 9 pm iyon, bale three sets, hanggang 1 am,” saad ni Zyruz na napapanood ngayon sa Doble Kara ng ABS CBN.
Ano ang priority mo ngayon, singing or acting? “Both, okay lang naman na pagsabayin. Kasi, ang singing ay naa-adjust ko. Halimbawa, sa schedule ko rito sa Saddle’s Bar or sa The Crowd, naa-adjust ko siya. Kung may taping naman ako, puwede akong magpaalam dito.”
Si Zyruz ay nagbida na sa indie films na tulad ng Seksing Masahista, The Road to Ampatuan, Tagsibol, Pakawala at Dahon na isang short film mula sa Hero Foundation.
Si Ms. Maggie naman ay kumanta rati sa Malaysia, Singapore, Japan, at Korea mula 1992 hanggang 2010. Tapos ay nag-manage siya ng isang cafe sa Kuala Lumpur. Nagkuwento siya ukol sa Saddle’s Bar.
“Mga two months na itong Saddle’s Bar, isa itong bar at grill and steak house. All around bar din siya, puwede sa mga youngsters, middle age, lahat puwede. Hindi kami tulad ng iba na masyadong maingay, kaya makikita mo ang customers namin na mix and mag-i-enjoy talaga ang mga customer namin dito.
“Hindi lang sa pulutan at beer sila mag-i-enjoy dito, ang mga steak namin dito ay imported, galing Switzerland at Australia. Ang best seller dito ay buttered chicken at tilapia, bukod pa sa imported steak namin. P248 ang one bucket ng local beers, may kasama nang pulutan iyon. Ang mga pulutan dito sa Saddle’s Bar, may French fries, sisig, sitsaron, at iba pa.
“Araw- araw may banda rito, weekdays at may soloist din. Ang banda ay NSA Band, Cascade, Merge Band… ang soloist ko ay si Chito, she’s a female guitarist.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio