MUKHANG nauuso na talaga ang kasalan (or better coin it as union kasi ‘di pa naman talaga fully recognized ng simbahan at ng gobyerno) ang same sex marriage.
Sa showbiz, inumpisahan nina Aiza Seguerra at Liza Dino, sumunod ang komedyanteng si Boobsie Wonderland sa dyowa niyang tibo at mukhang susundan ng dating sexy star na si Rosanna Roces at ng dyowa niyang si Blessy Arias.
Childhood sweetheart pala ni Osang si Bless, nagkahiwalay lang sila nang mag-artista ang una, nag-asawa at nagkaroon ng pamilya.
Pero muling nag-krus ang kanilang landas at mismong nanggaling kay Osang ang statement na soon ay magpapakasal na sila ni Bless.
Mukhang aprubado naman ang mga anak ni Osang sa planong pagpapakasal ng kanilang ina dahil wala namang violent reactions sina Grace at isa pang anak ni Osang sa kanilang social media accounts.
At saka baka sila talaga ang itinadhana.
MAKATAS – Timmy Basil