Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, sobrang nahihirapan sa paggawa ng love scene

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si John Lloyd Cruz hindi kaagad sila naging close ng kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado sa Just The 3 of Us ng Star Cinema.

Aniya, ”I’m not gonna pretend na magkaibigan na kaming matalik (ni Jen) pero sa nakikita ko, parang. . .

“Ayaw naman naming mag-pretend na nagiging close na kami just because we’re doing a movie pero wala akong nakikitang dahilan para hindi kami maging magkaibigan because she’s a fantastic co-worker, professional, dedicated and very much willing.

“So ‘yung mga ugaling ‘yun napakaimportante when you’re doing a movie,” ani Lloydie.

Bagamat kilala ni Lloydie si Jen bago pa man sila nagsama sa Just the 3 of Us,limited lang daw ang knowledge niya sa aktres dahil nga nasa kabilang network ito at hindi naman niya nakakasama.

“Lahat naman yata ng lalaki, alam kung gaano kaganda at ka-sexy si Jen pero ang hindi ko nalaman, ang lupit niyang kumanta,” kuwento ni Lloydie na nalaman daw niya ang galing kumanta ni Jen noong isang gabing nagka-bonding ang grupo.

“One of those nights na maaga kami natapos, may time kami to actually bond and may gawing iba, so minsan, dito sa Pampanga ‘pag maaga kami napa-pack-up, we’re also allowed to have fun, nagka-karaoke and ‘yun, bumabanat ng Adelle.

“So parang sabi ko, wow! Actually, parang napahiya pa ako kasi tinanong ko siya about an album, ‘yun pala, lima na pala ang album n’ya. Medyo hindi magandang moment ‘yun for me, pero talagang what a revelation that night kasi Adelle, ‘Chasing Pavements’, nakaganoon lang, nakaupo.

“Parang “oh, wow”, iba talaga kapag marunong kumanta, eh. Mabilis makadale,” excited na kuwento ni Lloydie.

“Kahit sinong lalaki, ‘pag ganyan kaganda at ka-sexy, tapos kakantahan ka pa ng ganoon, parang ‘ano pa bang mali sa ‘yo? Parang walang mali, eh’,” dagdag pa ng aktor.

Sa kabilang banda, nalaman namin mula sa pakikipag-usap kina Lloydie, Jen, at direk Cathy Garcia-Molina na eversince pala’y hindi komportableng gumawa ng love scene ang actor. May love scenes sina Jen and Lloydie dahil sa kuwento’y mabubuntis ni Uno (Lloydie) si CJ (Jen). At nalaman namin na may pressure kay Lloydie ang eksenang iyon.

Ayon nga kay Jen, ”Maganda ‘yung pagkakagawa ni direk ng love scene, medyo intense pero maganda. Si John Lloyd, medyo may pressure lang talaga siya, takot siyang hawakan ako, takot siyang mag-ano,” sey ni Jen na halos kuhanin na nga raw niya ang kamay ng actor para ipaalam na okey lang na hawakan siya.

Sinabi naman ni direk Cathy na, eversince nga ay hindi komportable  si Lloydie sa love scenes.

“He’s very gentleman at talagang in-assure ko si Jen that he’s the kind of man na talagang kulang na lang hindi hawakan, hindi ko lang maikuwento pero may isang eksena kami na may pinahahawakan ako, si Lloydie, talaga namang. . . cut ako ng cut kasi ang pangit ng ginagawa n’ya, si Jen na ang naglagay, ‘sige na hawakan mo na’, ani Jen.”

Giit naman ni Lloydie, talagang sobrang hirap para sa kanya ang gumawa ng love scene. ”Sa totoo lang ho, isa ‘yan sa pinaka-challenging na gawin,” anang actor.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …