Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, aminadong sobrang pressured sa Just The 3 of Us

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Jennylyn Mercado na sobra-sobra ang pressure na nararamdaman niya lalo ngayong nalalapit na ang pagpapalabas ng pelikulang pinagsamahan nila ni John Lloyd Cruz, ang Just The 3 of Usmula Star Cinema at inidirehe ni Cathy Garcia Molina.

Bukod kasi sa pawang mga block buster ang pelikula ni Lloydie with other leading ladies, nakadagdag pa na nasabay ang pagpalabas ng Just the 3 of Us sa Captain America: Civil War sa Abril 27.

“Grabe ‘yung pressure,”  pag-amin ni Jen nang makausap namin ito sa set visit sa kanila sa Pampanga. ”Pero ayaw kong mag-expect ng kahit ano. Siyempre ‘yung mga ginawa niyang pelikula puro mga blockbuster so nakakatakot na baka hindi ko mapantayan,” giit pa ng aktres.

Sinabi pa ni Jen na bukod dito’y natakot din siya na isang magaling na actor si Lloydie gayundin ang kanilang director. ”Pressure sa akin ‘yung magaling na actor si John Lloyd.”

Sa kabilang banda, nakiusap naman si direk Garcia-Molina sa publiko na tangkilikin ang Just The 3 of Us. ”Wala akong sinasabi na huwag niyong panoorin ang ‘Captain America.’ Pagkapanood niyo ng ‘Captain America’ panoorin niyo rin kami,” giit ni Garcia-Molina.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …