Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, hinipuan at sinampal sa Palace Pool Club

00 Alam mo na NonieDINAKMA ang puwet at sinampal si Ana Capri ng isang lalaking mukhang fo-reigner daw sa Pool Palace Club sa Uptown Bonifacio, Ta-guig City noong April 3. Ito ang kuwento sa amin ni Ana last April 7 nang magkausap kami sa phone.

“Nakakagago sila e, pasensiya na sa words ko Kuya. Eto kasi ‘yung nangyari sa akin sa Pool Palace Club. Nagpunta kami roon ng friends ko, tapos nalowbat ako. Sa table namin walang outlet para makapag-charge, so, roon ako nag-charge sa ma-lapit sa toilet ng babae.

“Habang nagta-charge ako, biglang may dumakma sa puwet ko, akala ko binibiro ako ng friends ko. Nakatayo lang ako roon at maayos naman ang pananamit ko. Bigla na lang may naglamutak ng puwet ko. Nagulat ako, paglingon ko, nakita ko ‘yung guy. Di ko sure kung Chinese, basta mukha siyang foreigner, Tsinito siya. Tapos sabi ko, ‘Hey, what’s your problem?’ Then, tinapik ko iyong mukha niya dahil pagharap ko ay hawak pa rin niya ‘yung puwet ko. Siguro tampal ang tawag doon o mahinang sampal.

“Ini-expect ko na magso-sorry siya, pero sinampal niya ako nang malakas. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang sa akin nang matalim. Dinuduro niya ako pero hindi naman tumama sa mukha ko,” saad ni Ana.

May lifeguard daw na nakakita sa nangyari at ‘yun ang umalalay sa kanya. Pero ang nagpalala ng sitwasyon ay nang dumating daw ang security mana-ger dito. Imbes kasi tulungan siya, ang nanakit at nanghipo pa sa kanya ang inalala-yan nito. Although sinabihan daw siya na may pulis sa labas at puwede siyang magreklamo, ang paniwala raw niya ay iho-hold ng security manager ang nambastos at nanampal sa kanya.

“Pinatanong ko sa kanila kung ano ang pangalan niya, kasi nandoon lang siya sa harapan namin. Ayaw nila akong lumapit, pinaglayo nila kami. Ang sabi lang sa akin (ng security mana-ger), ‘Don’t worry, Mam, I’ll get his name.’ Pero maya-maya, paglingat ko, nawala na ‘yung mama. Pumasok na siya sa loob ng Revel. Nangyari ang insidente 3:57 am, pero 4:02 am, wala na yung lalaki,” saad niya.

Ayon daw sa security manager, nagkaroon ng misscommunication sa bouncer ng naturang establishment kaya nakaalis ang nambastos kay Ana. “Ayaw nilang ibigay ang name ng bouncer at ng lifeguard na nakakita ng insidente. Pinaiikot-ikot lang nila ako, porke ba VIP puwedeng mang-abuso?” ani Ana.

Idinagdag ng award-winning actress na kinukumbinse pa raw siya ng security manager na pabayaan na lang daw ang insidente. Pero desidido siyang ipaglaban ang kanyang karapatan, kaya nang araw ding iyon ay nagpa-blotter siya sa Taguig police sa Station 7. Habang isinusulat ko ito, nakatakdang magpunta si Ana sa NBI kasama ang kanyang abogado, para humingi ng tulong at magsampa ng reklamo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …