Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Grace, may pagka-komedyante rin

OBVIOUS na ang presidentiable na si Senator Grace Poe will stop at nothing, maisakatuparan lang niya ang minimithing puwesto.

Kabilang sa pagpapalawak ng kanyang milyahe ay ang paghahakot ng ilang piling—take note, chosen few—miyembro ng entertainment media that her camp will fly to Cagayan de Oro sa darating na April 18 para sa kanyang proclamation rally doon.

Siyempre, with the presence of the press ay madaragdagan ang media mileage ni Grace, all positive write-ups as if naman ay wala pang hindi alam ang taumbayan sa mga plano niya if installed into power.

But the press can only do so much.

Nasa mga botante pa rin ang pagpapasya, kundi man paghuhusga, kung sino sa kanilang tingin ang karapat-dapat maging susunod na lider ng bansa.

Basta para sa amin, hindi nasagot ni Grace ang tanong—sa ikalawang presidential debate na idinaos sa UP Cebu—kung sa gitna ng kanyang pagtulog ay nakatanggap siya ng tawag na nagkakagulo sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Isang malaking minus point ‘yon sa inakala naming artikulada pa manding senadora, na nagresulta sa kanyang pagiging isang laughing stock sa paningin ng publiko.

Komedyante rin pala si Grace!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …