Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, extra na lang sa Bubble Gang

DAHIL wala naman siyang primetime show sa kasalukuyan, masasabing politically incorrect na tawagin—for now—si Dingdong Dantes bilang Primetime King ng GMA (gayundin ang kanyang misis).

So, in the absence of a royal figure, is it politically correct to say na pansamantala ay si Alden Richards ang hari?

Not even. Dahil ang programang Eat Bulaga—na kinabibilangan ni Alden—ay wala sa primetime block. Puwede pa, “Noontime King.”

But title or no title, hindi maitatatwa na isang royalty na si Alden, kahit ang pambato nga ng ABS-CBN na si Daniel Padilla ay naungusan na niya ng milya-milya.

But over at GMA, ang talagang kinabog ni Alden ay si Aljur Abrenica. The original “Al-” is now second fiddle sa isang talunan sa Starstruck.

At balitang maging sa talent fee ay malayong-malayo ang kay Alden kompara kay Aljur. Alden gets as much as “times six” ng talent fee na tinatanggap ni Aljur.

In time, hindi kami magtataka kung ang noo’y balak ni Aljur na magpa-release sa GMA—na umabot pa sa demandahan—ay magkaroon ng “sequel.”

Imagine, pa-extra-extra na lang si Aljur sa Bubble Gang?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …