Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, iginiit na friends pa rin sila ni Angel

00 SHOWBIZ ms m“NAKAKAKABA rin pala.” Ito ang tinuran ng kasamahang editor na si Ervin Santiago matapos ipa-experience sa ilang mga kasamahan sa panulat ni Luis Manzano at ng bumubuo ng Family Feud kung paano maging contestant sa pinakabagong aabangang game show mula ABS-CBN2 na magsisimula na sa Abril 9.

Walong kasamahang manunulat ang nabigyang pagkakataon para makapaglaro sa masaya at naiibang bonding experience para sa mga pamilyang Filipino na aabangan tuwing Sabado at Linggo.

Sa bagong game show, tiyak na panalo na naman ang pamilyang Filipino linggo-linggo na hindi lang saya ang hatid kundi mas madaragdagan ang buhay at sigla ng bawat isa.

040616 family feud luis manzano
“Sobra akong na-excite sa ‘Family Feud’ dahil mas makakukulit ako, makagagawa ako ng punch lines,” giit ni Luis. ”Nakakataba naman lagi ng puso na mapili bilang host ng isang napakalaking programa tulad nito. Lagi ring may pressure lalo pa’t ako mismo ay fan ng ‘Family Feud’,” sambit naman niya nang tanungin kung anong pakiramdam na siya ang napiling host ng sikat na game show.

Hindi naman talaga maikakaila na magaling mag-host si Luis kaya hindi rin nakapagtataka kung siya na naman ang kinuha ng Kapamilya Network para mag-host bagamat mayroon pa siyang ilang shows sa Dos.

Malakas din kasi ang bond ni Luis sa kaniyang sariling pamilya at kilala ring mahusay sa pagbanat at pag-timing sa pagpapatawa kaya naman siguradong katuwaan at kasiyahan ang hatid niya sa lahat.

040616 family feud luis manzano 2
Mapapanood ang Family Feud tuwing Sabado pagkatapos ng SOCO at tuwing Linggo pagkatapos ng Kapamilya Blockbuster sa ABS-CBN.

Sa kabilang banda, ayaw mang magsalita ni Luis ukol kay Angel Locsin dahil hindi naman daw kasama sa show ang aktres at ayaw nitong masabihang ginagamit ito para sa kanyang show, napilit ding magsalita ang actor/TV show ukol sa kanila.

Ani Luis, magkaibigan sila ni Angel. ”I don’t wanna add color. Basta magkaibigan kami. Sa lahat ng pinagdaanan namin, magkaibigan kami.

“Let’s leave it at that. Mas gusto namin ‘yon kaysa magkaaway kami.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …