Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, GGSS na, kaiinggitan pa ng mga beki

00 SHOWBIZ ms m“WHAT a blessing!” Ito ang tinuran ni Chris Cahilig, producer ng Echorsis, Sabunutan Between Good and Evil dahil Graded B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa kanilang pelikula na nagtatampok kina John ‘Sweet’ Lapus, Alex Medina, at Kean Cipriano.

“For a first-time producer, it feels so good to be recognized for the quality of your work! Congrats Direk @lemuellorca and Jerry Gracio, @korekkajohn @keanedward @alexvmedina and the rest of the cast and production team!” post ni Cahilig sa kanyang Facebook account ukol sa CEB ratings.

“Confidently beautiful!” patuloy na pagbabahagi ni Cahilig nang matanong kung hindi ba siya kinakabahan dahil may kasabay na foreign movie ang Echorsis sa pagpapalabas nito sa Abril 13.

Sa totoo lang, maganda naman talaga ang pelikula at talagang nag-enjoy kami sa panonood nito nang maimbitahan kami sa special screening na ginawa noong Linggo sa Cinema 11 ng SM North Edsa. Nakatitiyak kami na mag-eenjoy din ang sinumang manonood ng pelikula.

Nakatitiyak ding maraming beki ang maiinggit kay Sweet dahil dalawang nagguguwapuhang actor ang nag-agawan at nagpasasa sa katawan ni Sweet na sina Alex at Kean.

Masasabi ngang gandang-ganda sa sarili si Sweet sa Echorsis dahil napaniwala niya ang sariling mamahalin siya ng tunay ni Alex samantalang matagal naman na siyang pinapantasya ni Kean.

Magandang mapanood ang Echorsis, dahil may aral na matututuhan lalo na iyong mga taong sobrang magmahal na kinalilimutan na ang sarili.

Samantala, masayang-masaya ang buong cast ng Echorsis gayundin ang direktor nitong si Lemuel Lorca dahil sa magandang feedback sa pelikula nila.

Sabi nga ni John, ”Nakakatanggal ng stress, nakaiiyak, may puso and at the same time, nakatatawa siya ng bongga.”

Sobrang happy ni John sa nakitang live reactions ng audience na marami ang natawa. ”Kaya gustong-gusto kong uma-attend ng premier night, eh. Kasi hindi na ako kakabahan sa showing kumbaga. So, sana, please, hindi lang miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgender) ang dapat sumuporta sa pelikulang ito, dapat pati na rin ‘yung lalaki’t babae, nanay, tatay or may mga kapatid, kamag-anak at kaibigang bakla, most likely mas maa-appreciate nila at mas maiintindihan nila kung ano ba talaga ang buhay namin,” giit pa ni John.

Sa pelikula ay may love scene sina Sweet at Alex at aminado ang una na  na-turn-on siya sa aktor habang ginagawa ang eksena.

“Diyos ko, talagang nadala rin ako sa eksena, kasi hinahalikan niya (Alex) ako talaga sa labi, wa siya care, ako talaga ‘yung ‘sandali’, ako ‘yung nahiya,”natatawang sabi ni John.

Kaya pagkatapos daw ng eksena ay tumakbo siya agad sa dressing room.

Kasama rin sa movie sina Alessandra de Rossi, Kiray Cellis, Chokoleit, Nico Antonio at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …