Friday , November 15 2024

Barangay Chairwoman, lover, 5 pa tiklo sa drug bust

ARESTADO ang isang barangay chairwoman at kanyang live-in partner gayondin ang limang iba pa sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na drug-bust operation sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Edgardo Tinio, mula kay QCPD – District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) chief, Chief Insp. Enrico Figueroa, ang nadakip na mag-live-in partner ay sina Mariano Duque, 40, at Joycee Reyes, 36, chairwoman ng Brgy. 337, Sta. Cruz, Maynila.

Habang ayon kay Insp. Manuel Ladersa, nanguna sa operasyon, naaresto ang dalawa dakong 11:30 p.m. nitong Abril 3 (2016) makaraang bentahan ni Duque ng P10,000 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa kanto ng Exa-miner St. at Quezon Avenue, Brgy. West Triangle ng lungsod.

Nauna rito, dakong 9:30 p.m., nadakip sa pa-ngunguna ni Sr. Insp. Ramon Castillo, ang lima pa sa pagsalakay sa isang drug den sa Dirham St., Brgy. North Fairview.

Ang naaresto ay sina Jeffrey Espineda, 36; John Carlo Santos, 18; Ryan Dayon, 28; Ruel Decara, 25; at Agira Basa.

Nahuli sa aktong gumagamit ng shabu ang lima at nakompiskahan nang hindi nabatid na ha-laga ng shabu.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *